Mahal kong
Talaarawan ,
Tulad kahapon, pinaliban na
naman ako ni sir Espina sa huling dalawang agham pero huli na daw iyon. Pero si
Jelly-Ann Vega na ang pinademo ni sir sa mga panghapon at mabuti'y may mga
kamag-aral pa akong hindi pa umuuwi dahil bibili pa ng pintura at isa dito si
May na nakasabay ko dahil bibili din ako ng pintura na gagamitin namin sa
pagpipinta bukas. Sa Mambugan Paint Center na katapat ng Lacolina kami bibili
dahil halos ito lang ang tindahan na nagbebenta ng tingi-tingi.
Naglakad lang
kami papunta doon at huminto muna kami ni May saglit sa isang tindahan sa tabi
ng Francisville upang kumain dahil nagugutom na ako. Habang kami ay kumakain, may dumaan na isang humaharurot na trak at ito'y bumangga sa isang
dyip na nanggaling sa baranggay hall na naglalaman ng mga estudyante na pauwi
at bumangga pa sa ilang kotse na nakaparada at ito'y tumaob. Nagulat kami ni
May sa nangyari at dahil diyan, kami'y
nagmadaling kumain upang maki-usisa, sayang at wala
akong dalang kamera.
Pagkatapos naming
maki-usisa,
kami'y nagpatuloy na sa paglalakad at
ang pangyayaring ito pa rin ang laman ng
aming usapan hanggang sa makarating kami. Medyo natagalan kami sa pagbili dahil
may mga ibang estudyante na bumibili din dahil ito ang paint center na sinasabi
ni sir Espina sa kanyang mga estudynte kaya doon nagsidagsaan. Nang kami ay
nakabili na ay umuwi na kami.
Pag-uwi ko ay
natulog muna ako dahil sa sobrang pagod at pagkagising ko ay tsaka ko ginawa
ang aking mga takdang-aralin.
No comments:
Post a Comment