Mahal
kong Talaarawan,
Nanghihinayang ako na hindi man lamang
ako napasama sa may mga top mula nung unang markahan, sayang ang mga
certificate ko na katibayan ng pakikilahok sa mga event na hindi ko maaaring
ipasa dahil tanging ang may mga top lamang ang maaaring magpasa, Sayang talaga!
Siyempre tulad ng dati liban na naman ako sa
huling dalawang asignatura at mabuti'y may natapos akong ipinta ngayong araw na
ito at mas lalo akong sumaya nang nalaman kong nais itong bilihin ni ma'am
Daito.
Medyo maaga ako ngayong nakauwi dahil maaga
kaming pinauwi ni sir Espina dahil may mga gagawin din siya. Pagdating sa bahay
ay binuksan ko agad ang kompyuter upang magresearch dahil kinakailangan naming
gumawa ng essay sa english na inaamin kong hirap talaga ako sa bagay na ito
pero pipilitin ko kahit english carabao ang maisulat ko.
No comments:
Post a Comment