Mahal kong Talaarawan ,
Lunes na naman kaya kahit gusto ko pang matulog eh kailangang magmadali
sa pagkilos dahil madalas nahuhuli sa klase ang kapatid ko dahil sakin.
Pagdating sa silid-aralan ay napansin kong halos kompleto na kami dahil siguro
sinagad na nila ang bakasyon. Wala na naman si ma'am Norbie kaya medyo nabagot
ako dahil ang tagal dumating ng susunod na guro.
Pagkatapos
ng aming recess ay inaasahan kong nandiyaan si sir Espina dahil magpapasa ako
ng proyekto, ngunit wala siya
kaya bibitbitin ko na naman itong proyekto kong ampagkalaki-laki.
Pagkatapos
ng klase ay hindi muna ako umuwi dahil kinakailangan ko munang pumunta kay ma'am
Cabrera dahil kinakailangan kong gumawa ng biswal para sa ikaapat na markahan
dahil wala akong rekord sa kanya ngaung ikatlong markahan kaya kinakailangan
kong gumawa nito at sa biyernes na agad ang pasahan. Sinabi pa ni ma'am na dahil
magaling kaming gumuhit , siguro naman ay
maganda kaming magsulat. Kinabahan ako dahil hindi ganun kaganda ang sulat ko, pero pipilitin ko pa ring mapaganda.
Pag-uwi
ko sa bahay ay sinimulan ko na ang paggawa ng aking mga portfolio dahil tatlo
ang aking gagawin at sabay-sabay ang pasahan kaya kailangan ko nang simulan.
Tuloy-tuloy lang ang journal hanggang Pebrero. Ituloy mo lang ang paglalahad ng mga magagandang pangyayari sa araw mo. :)
ReplyDelete