Mahal
kong Talaarawan,
Maaga akong pumasok sa aming paaralan upang
magtanung-tanong kung ano ang kanilang mga tinalakay sa huling dalawang asignatura
dahil ako'y lumiban kahapon at pagkatapos nito'y siya namang dating ni ma'am Norbie
at nagsimula na kaming magklase.
Pagkatapos ng aming klase ay dumiretso muna
ako kay Mrs. Cabrera upang bigkasin ang kanyang pinapasaulo sa amin. Natuwa ako
nang makita ko ang markang ibinigay sa akin ni ma'am at ito ay 97. Pagkatapos
nito ay umuwi na ako.
Pagdating sa bahay ay kumain kami ni mama ng
pananghalian habang nanonood ng isang pelikula na tungkol sa mga pating at nang
matapos ito ay tsaka ko ginawa ang aking mga takdang-aralin.
No comments:
Post a Comment