Mahal kong Talaarawan ,
Pagkagising
ko ay agad kong niligpit ang aking hinigaan at naglinis muna ng bahay dahil
hindi ako papayagan ni mama na gumawa ng aking mga proyekto kapag marumi ang
bahay kaya inuna ko muna ang paglilinis tsaka nag-almusal.
Nang
ako'y makapag-almusal ay tsaka ako nagsimulang gumawa ng aking proyekto sa
T.L.E. na maliit na modelo ng bahay. Nang tanghali na'y sinamahan ko si mama sa
talipapa na bumili ng aming uulamin sa hapon at pagbalik nami'y muli kong
ipinagpatuloy ang aking proyekto.
Nang ikatatlo ng hapon ay
nakalimutan namin ni mama na hindi pa pala kami nanananghalian kaya pala gutom
na gutom na ako kaya kumain na muna kami. Pagkatapos kumain ay ipinagpatuloy
kong muli ang aking proyekto at hindi na ako naghapunan dahil marami akong
nakain kaninang hapon.
No comments:
Post a Comment