Mahal kong
Talaarawan ,
Sabik na sabik ako ngayong pumasok dahil may P.E. kami pero hindi
sa amin ngayon nakapagturo si ma'am Naculangga dahil siguro mga nagkokompyut
ang mga guro ngayon ng mga grado dahil kuhaan na ng aming kard bukas.
Pagkatapos
ng klase ay pauwi na ako nang mapansin kona hindi naman ganoon kainit kaya
maglalakad na lang ako at eksaktong nakita ko sila Cagas na maglalakad din kaya
magsasabay na lang kami. Ngunit medyo matagal pa kami bago nakaalis sa skul
dahil inantay pa namin ang isa naming kasabay.
Pag-uwi sa bahay
ay kumain ako at nakinig kami ni mama sa radyo ng mga subaybaying programa at
pagkatapos nito'y natulog ako. Pagkagising ko'y naglaba kami ni mama ng mga
damit kahit hapon na dahil hindi kami makakapaglaba bukas dahil pupunta siya
bukas sa pagpupulong sa skul habang ako nama'y makikipagkita sa aking mga
kagrupo sa ilang asignatura at gagawa ng aming mga gawain.
Pagkatapos
maglaba ay bumili ako ng isang illustration board dahil may bago na naman
kaming ipipinta at iyon ay mga prutas.
No comments:
Post a Comment