Mahal
kong Talaarawan,
Sobrang lamig talaga ngayon kahit nang
makarating na ako sa paaralan at kahit mataas na ang araw ay sobrang lamig pa
rin kaya tuloy ang daming hindi naligo pero hindi ako kasama doon.
Sabik ako ngayong pumasok dahil may bago na
kaming ipipinta at iyon ay mga prutas. Hindi namin ito natapos kayaitutuloy
namin ito bukas.
Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi. Nang
ako'y makakain ay ginawa at tinapos ko na ang aking pinta dahil gusto ko na
itong matapos upang hindi na ako magbibitbit ng mga pintura bukas at para mabawasan
ang aking mga gawain.
Nang matapos akong magpinta ay ikaanim na ng
hapon at tsaka ko ginawa ang aking mga takdang-aralin habang nakikinig sa mga video
ni Sungha Jung ang paborito kong fingerstyle guitarist.
No comments:
Post a Comment