Friday, January 4, 2013


Mahal kong Talaarawan ,

        Hindi sana ako papasok ngayon dahil ang lakas ng ulan dito sa amin ngunit pinilit ako ni mama dahil sayang ang ituturo ng mga guro lalo na't malapit na ang ikatlong markahang pagsusulit. Pagdating sa silid-aralan ay napansin kong lalo kaming nangunti ngunit kami na pala ang pinakamaraming mag-aaral na pumasok sa lahat ng nasa ikatlong taon.
    May bagong proyektong ibinigay sa amin ang aming guro sa filipino na isang maikling film kada grupo ngunit nag-aalala akong baka mahirapan na naman kami sa aming gagawing proyektong ito lalo na't may mga kagrupo kang magugulo tulad ng ginawa namin nung nakaraang taon. Pero umaasa ako na matatapos namin ito nang maayos.
    Isa ako sa mga inatasan ng aming guro sa T.L.E na magpapakita kung paano magpinta at kung papaano maghalo ng iba't-ibang kulay. Ginawa namin ito sa lahat ng istudyante ni sir kaya lumiban na naman kami sa mga susunod na agham. Pagkatapos namin sa aming ginagawa ay uwian na rin ng mga pang-umaga kaya pinakain muna kami ni sir dahil gagawin ulit namin ang pagdedemo sa kanyang mga istudyante sa panghapon.
    Pagkatapos nito ay umuwi na ako dahil may mga portfolio pa akong gagawin at malapit na rin ang pasahan nito.

No comments:

Post a Comment