Mahal
kong Talaarawan,
Ikaapat na ng hapon nang ako ay
makauwi dahil sa pagpipinta sa skul na sana ay matapos na dahil ayaw ko nang
laging lumiliban sa klase dahil nahuhuli ako sa mga aralin lalo na sa asignaturang
chemistry dahil mahina ako sa asignaturang ito. Pagkauwi ko ay nagpahinga muna
ako ng saglit dahil napagod ako sa paglalakad pauwi. Nang makapagpahinga na'y binuksan
ko ang kompyuter upang gumawa ng takdang-aralin at magsimula nang gumawa ng
speech dahil baka ako na ang mabunot sa english dahil kakaunti na lang kaming
hindi pa nakakapagsalita sa harapan.
No comments:
Post a Comment