Mahal
kong Talaarawan,
Ako ay maagang nagising dahil hindi ako
makatulog sa sobrang lamig kaya nagdesisyon nalang akong magligpit na ng
hinigaan at mag-almusal na dahil maaga din kasi akong pupunta ng simbahan. Nang
ako'y makakain ay naligo't nagbihis na ako at pumunta na ng simbahan.
Pagdating doon ay nagturo muna kami sa mga
bata at pagkatapos nito'y tsaka kami nakinig sa preach ng pastor.
Pagkatapos ng aming simba ay sumabay na agad
akong pauwi kila mama at papa dahil kailangan kong panoorin ang isang pelikula na
may pamagat na Schindler's List at magsusulat ng reaksyon tungkol sa aming
napanood dahil ito'y aming takdang-aralin sa A.P. Ito'y ay matatapos sa loob ng
tatlong oras kaya nang matapos ko ito ay ikaanim na ng hapon at pagkatapos kong
mapanood ay nagresearch muna ako tungkol sa mga buhay ng tauhan kung anu ang
kanilang ikinamatay etc. Tsaka ko ginawa ang aking iba pang mga takdang aralin
at naghanda na rin para sa pagpasok bukas.
No comments:
Post a Comment