Thursday, January 31, 2013

Sayang Naman .


Mahal kong Talaarawan,

       Nanghihinayang ako na hindi man lamang ako napasama sa may mga top mula nung unang markahan, sayang ang mga certificate ko na katibayan ng pakikilahok sa mga event na hindi ko maaaring ipasa dahil tanging ang may mga top lamang ang maaaring magpasa, Sayang talaga!
    Siyempre tulad ng dati liban na naman ako sa huling dalawang asignatura at mabuti'y may natapos akong ipinta ngayong araw na ito at mas lalo akong sumaya nang nalaman kong nais itong bilihin ni ma'am Daito.
    Medyo maaga ako ngayong nakauwi dahil maaga kaming pinauwi ni sir Espina dahil may mga gagawin din siya. Pagdating sa bahay ay binuksan ko agad ang kompyuter upang magresearch dahil kinakailangan naming gumawa ng essay sa english na inaamin kong hirap talaga ako sa bagay na ito pero pipilitin ko kahit english carabao ang maisulat ko.

Wednesday, January 30, 2013


Mahal kong Talaarawan,

       Mag-iikalima na ng hapon nang ako ay makauwi na ipinagtaka ni mama, gumawa kasi kami ng aming proyekto sa science sa skul at nagpinta kaya inabot ako ng sobrang hapon. Pagdataing sa bahay ay kumain muna ako dahil hindi pa ako nanananghalian at dahil ginagamit pa nang kapatid ko ang kompyuter ay naggitara muna ako at hindi ko namalayang inabot na pala ako nang dalawang oras sa paggigitara tsaka ako nag-atubiling humiram ng kompyuter sa aking kapatid dahll inaantok na ako ngunit kailangan ko pang gawin ang aking mga gawain.

Tuesday, January 29, 2013


Mahal kong Talaarawan,

       Ikaapat na ng hapon nang ako ay makauwi dahil sa pagpipinta sa skul na sana ay matapos na dahil ayaw ko nang laging lumiliban sa klase dahil nahuhuli ako sa mga aralin lalo na sa asignaturang chemistry dahil mahina ako sa asignaturang ito. Pagkauwi ko ay nagpahinga muna ako ng saglit dahil napagod ako sa paglalakad pauwi. Nang makapagpahinga na'y binuksan ko ang kompyuter upang gumawa ng takdang-aralin at magsimula nang gumawa ng speech dahil baka ako na ang mabunot sa english dahil kakaunti na lang kaming hindi pa nakakapagsalita sa harapan.

Monday, January 28, 2013


Mahal kong Talaarawan,

       Mag-iikaapat na ng hapon nang ako ay makauwi galing sa paaralan dahil ako ay may ipinipinta at malapit na itong matapos. Pagdating sa bahay ay kumain ulit ako kahit na ako'y nakakain na dahil nagugutom ulit ako, pagkatapos nito ay binuksan ko ang kompyuter upang gumawa ng ilang gawain at upang magdownload na rin ng pang-edit ng video na kakailanganin sa aming gawain sa filipino.
Mahal kong Talaarawan,

       Pagkatapos ng simba ay umuwi na ako kasama ang aking mga magulang dahil kinakailangan kong matapos ang aking ipinipintang kalikasan. Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna ako ng saglit at tsaka nagpinta. Natapos ko ito ng hapon na at pagkatapos nito ay nanood kami ni papa ng isang pelikula habang kumakain at tsaka natulog pagkatapos nito.

Sunday, January 27, 2013

Kinagisnang Balon ni Andre Cristobal Cruz

      Ang kwentong Kinagisnang Balon ay nagpapakita ng pagpapatunay ng isang anak na hindi mana-mana ang isang hanap-buhay na mula pa sa magulang at pagkakaroon ng matinding paninindigan sa kanyang sarili.

Kinagisnang Balon

Ni: Andres Cristobal Cruz


 Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki’t matandang balon.  Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa. Anupa’t masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito’y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala’t pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. “Noon pang panahon ng Kastila,” anang matatanda. “Hindi pa kayo tao, nandiyan na ‘yan,” giit naman ng iba. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya’y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta’t iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento! Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw sa may balon. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang “maligno” na walang iba kung di ang tanging biyudo’t pinakamatandang dalaga sa Tibag. Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba’t naliligo ang mga dalaga’t kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga dalaga. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak naman nito. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula’t mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang pinakamaraming handa’t bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo. Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya’y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. 21. “Ba’t naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n’on pa man,” sabi ng iba. 22. “Di ba’t ‘yan ‘kamo,” dagdag ng ilan, “aguwador din?” 23. “Di ba’t ang Ba Meroy ay aguwador din?” 24. “Aba, siyanga, ano?” 25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. “Pero ‘ala pang giyera,” pilit ng iba, “umiigib na ang Tandang Owenyo.” 27. Minana na niya ang opisyong iyan.” 28. “E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba’t sa balon sila…” 29. “A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo.” 30. “Labandera na noon si Nana Pisyang?” 31. “Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e.” 32. “Ang Da Felisang Hilot?” 33. “Aba, e labandera rin ‘yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. ‘”Yan nga si Nana Pisyang.” 34. “Tingnan mo nga naman ang buhay.” 35. “Sa Amerika ba, merong ganyan?” 36. “Pilipinas naman ‘to, e! Siyempre dito sa ‘tin, pasalin-salin ang hanapbuhay.” 37. “Mana-mana ang lahat.” 38. “Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din.” 39. “At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera.” 40. “Pero si Nana Pisyang humihilot din.” 41. “Ow, ano ba naman ‘yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na.” 42. “Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay.” 43. “Di nga ba’t katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba’t paghahatid ng damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd.” 44. “At si Narsing nila?” 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy.” 46. “Ow tama na ‘yon. Tapos ka’t hindi, pareho rin.” 47. “Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!” 48. “Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa’t humihiram ng libro.” 49. “Minsa’y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano.” 50. “E. ano raw?” 51. “Florante at Laura daw.” 52. “Tingnan mo nga ‘yan. Sayang na bata. May ulo pa naman.” 53. “Balita ko’y ayaw mag-aguwador.” 54. “Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba’t nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na.” 55. “Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa’no me malalakas na kapit ‘yon!” 56. “Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!” 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At ito’y may kasamang malalim na hinanakit. 60. Nagsasampay ang kanyang ina nang siya’y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. 61. Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito’y naipon sa paglalaba’t sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya’t naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya’t pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito’y me dala pang sulat na galing sa ganoo’t ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing. 64. Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ‘’to, sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. 65. “Hene puwede,” sagot ng Intsik, “hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat ‘yan akyen lang tanim, dilig.” 66. “O, paano, talagang wala?” sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang galit. 67. “Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha,” sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. “Akyen gusto lang tulong sa ‘yo. 68. “O sige, ano?” 69. “Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?” 70. Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71. Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. 72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na ’ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu’t sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan. 73. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang. Habang sila’y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama’t ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo’y nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama’t ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila’y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya’t maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso’t pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki’t dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama’t ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na ipinaglalaba’t ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga’t dalawang balde na animo’y isang Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. 77. Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya. 78. “Gayon din lamang,” mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib.” 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. 80. “Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n’yo pati ako maging aguwador!” 81. Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina’y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura siya ng kanyang ama. “Bakit?” wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang tinig. “Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!” 83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama’t buong lakas na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata’y umiiyak at humahagulgol na parang maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang ama’t iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo rin.” 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili’y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito’y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba’y nawala sa isip niya ang ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador. 90. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya’y sa iba mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. 93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo’y may asong kumakahol na parang nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya’y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo’y isang Kristong pasanpasan ang pingga’t dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo’y hindi na kanila’t inuupahan na lamang. 94. Maaga pa’y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya’y muling umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya’t parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga’t kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong aguwador. 96. “Binyagan si Narsing!” sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig.


Larawan:




Saturday, January 26, 2013

Isang Nakakapagod na Pagpapraktis .


Mahal kong Talaarawan,

    Maaga akong nagpagising kay mama dahil ika-pito ang simula ng prayer meeting. Pagkagising ko ay kumain at nag-ayos na ako tsaka pumunta doon. Pagkatapos ng devotion ay agad akong pumunta sa bahay ni Medel na aking kaklase dahil may praktis kami sa Filipino. Pagdating doon ay sobrang tagal bago makapag-umpisa dahil ang tagal dumating ng ibang miyembro dahil siguro oras sa ibang bansa ang orasan nila. Ika-siyam ako pumunta doon dahil iyon ang pinag-usapan ngunit magiika-labindalawa na kami naghanda. Isa ako sa apat na tsismosang labandera kaya nakadaster ako at mukha talaga akong labandera. Ang ibang labandera naman ay nagdala ng mga damit na aming lalabhan at sabon bilang props, samantalang ang ilang lalaki bilang aguwador ay nagbihis ng sando at syort. Hiniram ko muna ang tsinelas ni Diana na aking kagrupo dahil nakarubbershoes ako nang pumunta doon at hindi daw siya sasama.
    Una ay tumawid muna kami sa mauyog na hanging bridge na halos mamatay na ang isa naming kagrupo dahil sa sobrang takot at siya na lang ang naiwan. Pagkatapos doon ay umakyat naman kami sa hagdang lupa na sobrang taas at dumaan pa kami sa isang covered court at pinagtinginan kami dahil sa mga suot namin. Pagkatapos ay dumaan na naman kami sa isang hanging bridge pero di na mauyog kaya ayus lang at nang makarating na kami sa aming destination ay wala naman palang balon at puro dikit-dikit ang bahay at may mga alagang baboy kaya agad kaming umalis dahil sa baho. Sinabi ko sa kanila na kila Gelain na lang kami magshooting, isa sa aming kamag-aral dahil may maayos na balon doon at wala gaanong tao, akala ko'y sa ilog kami dadaan ngunit sa highway pala kami dumaan kaya lubos na kahihiyan ang inabot naming mga labandera dahil sa mga suot namin. Meron pa kaming isang kagrupo na nakayapak dahil sa akin, hiniram ko kasi ang panyapak ni Diana na sumama pala, kaya nanghiram din siya sa iba. Sa mahaba naming paglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa mga suot namin at nang makarating na'y nagkabisado muna kami ng aming mga dialogo at tsaka nagsimula. Galit na galit na ang tagakuha ng kamera dahil lagi naming nakakalimutan ang mga sasabihin namin. Pagkatapos doon ay muli kaming naglakad pauwi at nakita kong nakayapak na si Diana kaya ibinalik ko na sa kanya ang kanyang tsinelas kaya ako naman ang nagyapak ngunit nang nasa mabato na kami ay pinahiram ako ng aking kamag-aral ng kanyang panyapak dahil daw mukha akong pulubi.
    Pagdating sa bahay nila Medel ay nagpahinga muna kami at naglinis ng katawan at tsaka nananghalian kahit lipas na sa oras. Siyempre hindi mawawala ang paglalaro at tawanan lalo na't marami kami at nang mag-iikatlo na ng hapon ay nagmadali na akong bumalik sa aming simbahan dahil may praktis pa kami para sa simba bukas at isa ako sa mga tumutugtog at pagkatapos nito ay tsaka ako umuwi sa bahay na gabi na.

Friday, January 25, 2013

Ang Saya Talaga 'Pag Biyernes !


Mahal kong Talaarawan,

    Masaya ako ngayong araw dahil ngayon ay araw ng Biyernes at bukod pa diyan ay meron kaming P.E. Masayang-masaya ako kapag kami ay nagpP.E. at hindi ko alam kung bakit, dahil siguro matataas ang nakukuha kong bilang sa curl ups at push ups kaya gano'n. Masaya din ako sa markang ibinigay sa akin ni ma'am Nacolangga na 95% sa inukit ko sa sabon na mukha ni Tutankhamen, siya ang pinakabatang naging paraoh ng Egypt.
    Tulad kahapon ay iniliban na naman kami ni sir Espina upang magpinta at mabuti'y nasimulan ko nang ipinta ang kabayo ni ma'am Daito, sa tingin ko'y mahilig si ma'am Daito sa mga pinta kaya lagi siyang bumibili at sobrang bait niya dahil pinamemerienda pa niya kami. Ikatatlo na kami umuwi sa bahay at bago ako umuwi ay nagdala ako ng isang maliit na canvas upang makapagpinta din sa bahay.
    Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna ako dahil sa pagod sa paglalakad at nang makapagpahinga na'y nagsimula na akong magpinta ngunit hindi ko ito natapos dahil natukso na naman ako sa pinapanood nila papa at mama na pelikula na may pamagat na Hansel ang Gretel. Natapos itong pelikulang ito nang ikasampu na ng gabi at ako inaantok na at kailangan ko pang gumising ng maaga bukas kaya ako'y natulog na.

Thursday, January 24, 2013

Ang Simula ng Pagpipinta Para sa Darating na Eksibit .

Mahal kong Talaarawan,

    Pagdating sa aming silid-aralan ay nanahimik muna ako at naupo habang hinihintay dumating ang aking mga katabi. Pagdating nila ay nagpaturo ako sa aming takdang-aralin sa english dahil nahihirapan talaga ako bumuo ng mga pangungusap ngunit wala pala silang mga takdang-aralin kaya pinilir ko nalang bumuo ng pangungusap kahit na english carabao.
    Maya-maya pa ay dumating na si ma'am Norbie at hindi ko inasahang may mahabang pagsusulit kami pero may mga tanong na hindi ko nasagutan dahil hindi ako nakapagbalik-aral. Sa mapeh naman ay nag-ukit kami sa sabon at hindi namin ito natapos kaya ituloy na lang sa bahay at ipapasa bukas. Sa englsih naman ay nag-ulat lang ang bawat pangkat ng mga araling iniatas sa bawat isa at sa filipino'y gumawa kami ng isang sanaysay tungkol sa mga kakayahan ng mga kababaihan sa ngayon. Sa t.l.e. naman ay iniliban ako kasama ang aking tatlong kamag-aral hanggang uwian dahil kami ay nagpipinta para sa darating na eksibit sa Pebrero at maraming guro ang nais bumili kaya kailangang paspasan ang paggawa.
    Nang matapos kaming magpinta ay umuwi na ako ng ika-tatlo na ng hapon dahil naglakad lang ako. Nakasabay ko na si papa sa pag-uwi at pagdating sa bahay ay tinapos ko na ang pag-uukit sa sabon at gumawa ng aking mga takdang-aralin.

Wednesday, January 23, 2013

Nakapagrecite Na Rin sa Wakas !


Mahal kong Talaarawan,

    Maaga akong pumasok sa aming paaralan upang magtanung-tanong kung ano ang kanilang mga tinalakay sa huling dalawang asignatura dahil ako'y lumiban kahapon at pagkatapos nito'y siya namang dating ni ma'am Norbie at nagsimula na kaming magklase.
Pagkatapos ng aming klase ay dumiretso muna ako kay Mrs. Cabrera upang bigkasin ang kanyang pinapasaulo sa amin. Natuwa ako nang makita ko ang markang ibinigay sa akin ni ma'am at ito ay 97. Pagkatapos nito ay umuwi na ako.
Pagdating sa bahay ay kumain kami ni mama ng pananghalian habang nanonood ng isang pelikula na tungkol sa mga pating at nang matapos ito ay tsaka ko ginawa ang aking mga takdang-aralin. 

Tuesday, January 22, 2013


Teoryang Feminismo

      Ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Makikitaan din ng transpormasyon ng isang babae mula sa pagiging mahina na naging aktibo at matatag.

Banyaga ni Liwayway Arceo

Ang Banyaga na isang maikling kwento ay tumutukoy sa isang tao na may malakas na loob na lumayo sa mga minamahal sa buhay para lang maiangat sa kahirapan ang mga ito. Ngunit malaki ang ikinagulat ng kanyang mga kanayon dahil sa malaking pagbabagong nagnap sa kanya.


                         
Banyaga
Ni: Liwayway Arceo

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. 

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok

Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"

Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.

Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.

"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?"

"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"

Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.

Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.

"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.

"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?"

"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..." 


"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako."

"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."

"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.

"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'

"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."

"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..."

"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.



Si Mama

      Ito ang larawan ni mama habang binabasa niya ang ginawa kong liham para sa kanya na ibinigay ng aking guro noong kuhaan ng kard.



Mahal kong Talaarawan,

       Hindi ko inaasahang ililiban na naman ako ni sir Espina sa aming huling dalawang asignatura upang magpinta sa ibang klase, pero ayus lang iyon dahil ngayon na lang daw. Masaya din ako ngayong araw dahil mapagkakakitaan ko na ang tanlento ko at iyon ay ang pagpipinta sa tulong ni sir.
    Pagkatapos ng klase ay umuwi ako kasabay ang aking mga kaibigan sa paglalakad. Pagdating sa bahay ay nagkompyuter ako nang matapos kumain upang itanong sa aking mga kamag-aral kung anu ang mga takdang aralin ngunit wala pang nagbubukas sa kanila ng kanilang account sa facebook kaya nagyoutube muna ako at nanood ng mga video kung paano gumawa ng simpleng instrumentong ukelele gamit ang karton at hindi ko namalayan ang oras at ikaapat na pala ng hapon. Nang muli kong buksan ang facebook ko ay may kaklase na akong nakabukas at nalaman ko na ang aming takdang-aralin ngunit malas namang nawalang ng internet kaya nagsulat na lang ako ng aking talaarawan.

Monday, January 21, 2013

Tapos Na Ako sa Aking Pinta


Mahal kong Talaarawan,


       Sobrang lamig talaga ngayon kahit nang makarating na ako sa paaralan at kahit mataas na ang araw ay sobrang lamig pa rin kaya tuloy ang daming hindi naligo pero hindi ako kasama doon.
    Sabik ako ngayong pumasok dahil may bago na kaming ipipinta at iyon ay mga prutas. Hindi namin ito natapos kayaitutuloy namin ito bukas.
    Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi. Nang ako'y makakain ay ginawa at tinapos ko na ang aking pinta dahil gusto ko na itong matapos upang hindi na ako magbibitbit ng mga pintura bukas at para mabawasan ang aking mga gawain.
    Nang matapos akong magpinta ay ikaanim na ng hapon at tsaka ko ginawa ang aking mga takdang-aralin habang nakikinig sa mga video ni Sungha Jung ang paborito kong fingerstyle guitarist.


Sunday, January 20, 2013

Ang Mahabang Oras ng Panonood ng Isang Pelikula .


Mahal kong Talaarawan,

    Ako ay maagang nagising dahil hindi ako makatulog sa sobrang lamig kaya nagdesisyon nalang akong magligpit na ng hinigaan at mag-almusal na dahil maaga din kasi akong pupunta ng simbahan. Nang ako'y makakain ay naligo't nagbihis na ako at pumunta na ng simbahan.
    Pagdating doon ay nagturo muna kami sa mga bata at pagkatapos nito'y tsaka kami nakinig sa preach ng pastor.
    Pagkatapos ng aming simba ay sumabay na agad akong pauwi kila mama at papa dahil kailangan kong panoorin ang isang pelikula na may pamagat na Schindler's List at magsusulat ng reaksyon tungkol sa aming napanood dahil ito'y aming takdang-aralin sa A.P. Ito'y ay matatapos sa loob ng tatlong oras kaya nang matapos ko ito ay ikaanim na ng hapon at pagkatapos kong mapanood ay nagresearch muna ako tungkol sa mga buhay ng tauhan kung anu ang kanilang ikinamatay etc. Tsaka ko ginawa ang aking iba pang mga takdang aralin at naghanda na rin para sa pagpasok bukas.

Saturday, January 19, 2013

Pagpapraktis Nga Ba?


Mahal kong Talaarawan,

    Pagkagising ko palang kanina ay abalang-abala na si mama dahil pupunta siya sa pagpupulong sa skul. Kahit gusto akong isama ni mama ay ayoko pa rin dahil wala akong gagawin sa skul ng ganoong oras at ikasampu pa ako ng umaga pupunta doon upang makipagkita sa aking mga kagrupo sa Filipino. Naisip ko kasing gagawa nalang ako ng aking mga gawain sa skul.
    Pagkaalis ni mama ay naligo't nagbihis na ako para nakahanda na at aalis na lang. Binuksan ko muna ang kompyuter para titignan kung may internet at mayroon nga. Kaya nagbukas muna ako ng aking facebook at naghanap na rin ng movie ng pinapanood saamin ni ma'm Cabrera na may pamagat na Schindler's List ngunit wala akong nakita kaya buod na lang ang binasa ko. Hindi ko namalayan na mag-iikasampu na pala ng umaga kaya nagmadali akong nagligpit at umalis ng bahay dahil baka mahuli ako dahil maglalakad lang ako.
Sa paglalakad ko'y nakasalubong ko si mama at ibinigay sa kanya ang susi ng aming bahay at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pagdating sa skul ay nakita ko na ang aking mga kagrupo at kami'y pumunta sa bahay nila Medel na isa sa aking mga kagrupo upang doon gumawa ng aming mga gawain. Pagdating doon ay nakita namin na tabi ng bahay nila ang isang nakabitin na hagdanan at ilog. Kaya kami'y naggala-gala muna dito at pagbalik nami'y kumain kami ng pananghalian.
Pagktapos kumain ay nagkwentuhan muna kaming lahat habang nagtatawanan dahil may mga ilan kaming kagrupo na talaga namang nakakatawa. Hindi namin namalayan ang oras at ikalima na pala ng hapon kaya agad nilang ibinigay sa akin ang kartolina upang palagyan ng disenyo, ngunit ang mga inatasan ng aming lider na magdadala ng mga kagamitan ay nakalimot kaya tanging ang pinturang dilaw at itim lang ni medel ang ginamit ko at daliri at upos pa ng sigarilyo ang ginamit kong bras dahil wala ding may dalang bras. Kaya hindi ganoon kaganda ang aming gawa.
    Pagkatapos nito'y umuwi na kami dahil maggagabi na. Pagdating sa bahay ay tinignan ko ang kard ko at masaya ako sa mga grado ko at tsaka ko ginawa ang iba kong mga gawain sa skul dahil wala akong oras kapag araw ng linggo dahil masyado akong abala sa simbahan.

Mahal kong Talaarawan ,

       Sabik na sabik ako ngayong pumasok dahil may P.E. kami pero hindi sa amin ngayon nakapagturo si ma'am Naculangga dahil siguro mga nagkokompyut ang mga guro ngayon ng mga grado dahil kuhaan na ng aming kard bukas.
    Pagkatapos ng klase ay pauwi na ako nang mapansin kona hindi naman ganoon kainit kaya maglalakad na lang ako at eksaktong nakita ko sila Cagas na maglalakad din kaya magsasabay na lang kami. Ngunit medyo matagal pa kami bago nakaalis sa skul dahil inantay pa namin ang isa naming kasabay.
Pag-uwi sa bahay ay kumain ako at nakinig kami ni mama sa radyo ng mga subaybaying programa at pagkatapos nito'y natulog ako. Pagkagising ko'y naglaba kami ni mama ng mga damit kahit hapon na dahil hindi kami makakapaglaba bukas dahil pupunta siya bukas sa pagpupulong sa skul habang ako nama'y makikipagkita sa aking mga kagrupo sa ilang asignatura at gagawa ng aming mga gawain.
Pagkatapos maglaba ay bumili ako ng isang illustration board dahil may bago na naman kaming ipipinta at iyon ay mga prutas. 

Friday, January 18, 2013


Mahal kong Talaarawan ,

       Kinabahan talaga ako kanina sa asignaturang Mapeh dahil isa-isa kaming tinawag ni ma'am Naculangga upang ipaliwanag ang mga larawan ng instrumento na nasa kanya at nang ako ang matawag, mabuti'y nakasagot ako. Sa Filipino naman ay gumawa na naman kami ng liham katulad noong ikalawang markahan at nakasisigurado akong ibibigay na naman ito ni Gng. Mixto sa aming mga magulang kaya hindi na lang ulit ako sasama sa pagpupulong. Sa T.L.E. naman ay inatasan ako ni sir Espina na magturo sa aking mga kamag-aral sa pagpipinta dahil tapos ko na ang pinta ko at wala na akong ginagawa.
       Pagkatapos ng aming klase ay umuwi na ako na sakay ng tricycle dahil tinatamad akong maglakad dahil sobrang init at nawawala pa ang payong ko. Pagdating sa bahay ay hindi ako nagmano kay mama kaya siya ang nagmano sa akin sabay hampas sa noo ko na basa pa ang kamay at kami'y nagtawanan. Hindi kasi namin kinasanayan ng aking kapatid ang pagmamano sa aming mga magulang kahit noong kami'y bata pa.
      Habang kami'y kumakain ni mama ay nakikinig kami ng mga liham na binabasa sa radyo dahil ito na ang nagsilbi naming telebisyon dahil may mga channel din ito tulad ng sa telebisyon. Pagkatapos kong kumain ay patuloy pa rin ako sa pakikinig ng radyo habang nililinis ko naman ang aking gitara dahil maalikabok na ito at kinakalawang na ang mga kwerdas dahil hindi ko ito ibinabalik sa lagayan pagkatapos gamitin.
Pagkatapos nito'y tsaka ko ginawa ang aking mga takdang-aralin sa iba't-ibang asignatura. Pero medyo nahihirapan ako sa pagbuo ng mga pangungusap sa aking gawain sa English kaya magpapatulong nalang ako sa aking kapatid ngunit may kondisyon at iyon ay ang hugasan ang huhugasan niyang mga pinggan, tamad kasi iyong maghugas ng pinggan. Pero ayus lang iyon basta't magkaroon lang ako ng takdang-aralin. 

Wednesday, January 16, 2013


Mahal kong Talaarawan ,
 
       Pagpasok ko sa aming silid-aralan ay nandoon na si ma'am norbie kaya naman ako naupo na dahil alam kong magsisimula na ang klase. Masaya ako dahil naintindihan ko ang bago naming pinag-aralan ngayon sa math. Sa english naman ay nagpangkatan lang kami gayon din sa filipino at tinalakay ang tulang Ang Pamana. Sa T.L.E naman ay nagpinta kami at ginawang halimbawa ni sir Espina ang gawa ko samantalang sa A.P naman ay nagtalakay lang si ma'am cabrera ng bagong aralin at natuwa talaga ako dahil kahit dalawang araw akong lumiban sa klase ay nakahabol ako sa aralin sa chemistry. Napansin kong iba talaga ang resulta kapag nakikinig ka sa guro.
       Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi na sakay sa tricycle dahil ayokong maglakad dahil ihing-ihi na ako simula kaninang A.P. Bawal na kasing lumabas ng silid-aralan kapag tapos na ang breaktime at kung payagan ka man, sermon muna ang ibibigay sayo.
    Pagdating sa bahay ay agad akong kumain ng pananghalian dahil inaakala kong may internet ngunit wala pala. Kaya ginawa ko muna ang iba kong takdang-aralin na hindi ginagamitan ng internet at tinapos ko na ang aking pinipinta para matapos na dahil ayokong magpinta sa aming silid-aralan dahil masikip at ang daming padaan-daan.

Tuesday, January 15, 2013


Mahal kong Talaarawan ,


       Tulad kahapon, pinaliban na naman ako ni sir Espina sa huling dalawang agham pero huli na daw iyon. Pero si Jelly-Ann Vega na ang pinademo ni sir sa mga panghapon at mabuti'y may mga kamag-aral pa akong hindi pa umuuwi dahil bibili pa ng pintura at isa dito si May na nakasabay ko dahil bibili din ako ng pintura na gagamitin namin sa pagpipinta bukas. Sa Mambugan Paint Center na katapat ng Lacolina kami bibili dahil halos ito lang ang tindahan na nagbebenta ng tingi-tingi.
Naglakad lang kami papunta doon at huminto muna kami ni May saglit sa isang tindahan sa tabi ng Francisville upang kumain dahil nagugutom na ako. Habang kami ay kumakain, may dumaan na isang humaharurot na trak at ito'y bumangga sa isang dyip na nanggaling sa baranggay hall na naglalaman ng mga estudyante na pauwi at bumangga pa sa ilang kotse na nakaparada at ito'y tumaob. Nagulat kami ni May sa nangyari at dahil diyan, kami'y nagmadaling kumain upang maki-usisa, sayang at wala akong dalang kamera.
Pagkatapos naming maki-usisa,
kami'y nagpatuloy na sa paglalakad at ang pangyayaring  ito pa rin ang laman ng aming usapan hanggang sa makarating kami. Medyo natagalan kami sa pagbili dahil may mga ibang estudyante na bumibili din dahil ito ang paint center na sinasabi ni sir Espina sa kanyang mga estudynte kaya doon nagsidagsaan. Nang kami ay nakabili na ay umuwi na kami.
Pag-uwi ko ay natulog muna ako dahil sa sobrang pagod at pagkagising ko ay tsaka ko ginawa ang aking mga takdang-aralin.    



Monday, January 14, 2013


Mahal kong Talaarawan ,

       Akala ko ay magtsetsek o magcocorrect-response lang kami ngayon kaya hindi ako masyadong nagdala ng mga kwaderno pero hindi pala.
    May mga gawain kaming hindi natapos sa ibang agham at ginawa nalang na takdang-aralin at hindi ko akalain na magdedemo na naman ako kung paano magpinta sa aming pangkat at sa iba pang mga pangkat na hawak ni sir Espina kaya tulad ng dati, lumiban na naman tuloy ako sa huling dalawang agham at sana nama'y hanggang bukas nalang dahil magdedemo pa kami bukas at sana'y huli na iyon dahil may mga aralin at gawain akong nakakaligtaan.
    Mag-iikatlo na ng hapon nang ako'y makauwi at pagdating sa bahay ay naggitara muna ako bago gumawa ng mga takdang-aralin dahil halos walang araw na hindi ko nahahawakan ang gitara ko. Nang buksan ko ang kompyuter ay siya namang nawalan ng internet na madalas mangyari kaya wala akong ibang magawa at nanood na lang ako ng pelikulang dinownload ko kagabi na Les Miserables kasama sila papa at mama na palagi din naming ginagawa dahil wala kaming telebisyon.
Halos dalawang oras itong pelikulang ito at ika-siyam na ng gabi nang matapos at nang tignan ko kung may internet na ay mayroon na pala tsaka ko gumawa ng aking mga gawain.

Ang Pamana ni: Jose Corazon de Jesus

      Ang tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus ay nagpapakita na hindi mahihigitan ng kahit anu mang bagay ang isang ina dahil masakit ang mawaln ng ina dahil siya ang lagi nating kaagapay at siya rin ang nagsisilbing ilaw ng tahanan. 




Ang Pamana
Ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”




Sunday, January 13, 2013

Natapos Din Ang Pagtsetsek .


Mahal kong Talaarawan ,

       Ngayon ay araw ng linggo kaya maaga na naman akong gumising dahil maagang dumadating ang nagsusundo sa amin kasama ang mga bata. Pagdating doon ay nagturo muna kami sa mga bata bago magsimula ang simba. Kahit medyo masakit sa ulo at nakakapagod ay masaya pa rin.
Nang matapos kaming magsimba ay umuwi na ako dahil nakalimutan kong hindi pa pala ako tapos magtsek ng mga test papers at i-kokorek response pa, kaya pagdating sa bahay ay sinimula ko na at nang makatapos ay nagkompyuter muna ako upang tapusin ang aking proyekto at nagdownload na rin ng bagong movie na may pamagat na Les Miserables. Sa pagkakaalam ko'y napanood ko na ito dati sa channel 23 nung may telebisyon pa kami pero cartoons iyon at nang nalaman kong meron na palang mga totoong tao ang gumaganap ay hinanap ko agad sa internet at dinownload ko. Maganda ang pelikulang ito dahil nagbibigay inspirasyon at nakakapukaw ng damdamin.

Saturday, January 12, 2013

Araw ng Pagpapraktis .


Mahal kong Talaarawan ,

       Pagkagising ko ay may isang mensahe sa sa celpon ni mama na kami ng aking kapatid ang tutugtog para sa linggo kaya kahit maaga pa'y naligo't nagbihis na kami ng aking kapatid upang pumunta sa simbahan upang makibahagi sa pananalangin tuwing umaga at dahil kailangan din ito bago makatugtog.
    Pagkatapos nito ay kaming mga kabataan ay nag-ikot sa Penafrancia upang bumisita sa mga bata at inanyayahan silang makibahagi sa sunday school para bukas at pagkatapos nito'y bumalik na kami sa simbahan at nagpahinga dahil malayo-layo rin ang aming narating.
    Nang sumapit na ang ikatatlo ng hapon ay nagsimula na kaming magpraktis ng aming mga tutugtugin para bukas sa simba. at pagkatapos nito ay naghapunan kami at ako'y nakibahagi sa leadership training na kung saan ay inihahanda ang mga kabataan bilang susunod na mga henerasyon.

Friday, January 11, 2013

Tapos na Rin Ang Pagsusulit sa Wakas !


Mahal kong Talaarawan ,
      
       Kinakabahan ako dahil ngayon kami mageeksam sa math dahil sa tuwing mageeksam ay kung nadalian ako sa math siguradong mahihirapan ako sa chemistry, at kung sa chemistry naman ako nadalian ay sa math naman ako nahihirapan at ganoon nga ang nangyari.
    Sunod naman ang Edukasyon sa Pagpapahalaga. Ito talaga ang pinakamadali sa lahat at di ko akalaing kasama sa mga tanong si Abraham Lincoln na dating presidente ng Amerika. Akalain mo nga namang may silbi rin pala ang napanood kong movie kagabi dahil malaki ang naitulong nito para masagutan ang eksam ngunit hindi nga lang makatotohanan ang mga pangyayari dahil pumapatay siya ng mga bampira sa movie. Hindi ko alam kung bakit adik ako sa mga movie dahil siguro sa wala kaming telebisyon.
    Natuwa ako nang nalaman kong pumasa ako sa filipino dahil alam kong bumaba ang marka ko sa kard nung nakaraan ay dahil bagsak ako noon pero ngayon na nalaman kong pumasa ako ay masaya talaga ako.
    Bago ako umuwi sa bahay ay binigyan pa ako ni Mrs. Cabrera ng mga tsetsekang mga papel at ito ang ginawa ko pag-uwi ko sa bahay.