Tuesday, January 8, 2013


Mahal kong Talaarawan ,

        Medyo kinakabahan ako sa magiging resulta ng aking marka sa aking kard dahil mababa ang marka ko sa aking mga kwaderno dahil wala akong masyadong naisulat pero pagbubutihan ko nalang sa exam para makabawi.
    Wala na naman si Gng. Mixto kaya si G. Mixto ulit ang nagturo sa amin. Pati rin si sir Espina ay wala at hanggang miyerkules daw siyang wala sabi ni G. Mixto kaya palagi kong bitbit ang aking proyekto.
    Pag-uwi ko sa bahay ay kumain na agad ako ng pananghalian dahil marami pa akong gagawin. Matapos kumain ay sinimulan ko na ang paggawa ng aking portfolio sa math na ipapasa bukas at mabuti'y natapos ko. 

1 comment:

  1. Pagbutihin ang pagsagot sa mga pagsusulit bukas. Pag-aralan ang lahat ng mga tinalakay na aralin.:)

    ReplyDelete