Maaga akong nagising dahil pinabili pa ako ni mama ng pandesal at
bihon para sa aming almusal. Pagkatapos kong mag-almusal ay agad kong sinimulan
ang paggawa ng aking proyekto dahil sa pasukan ang pasahan kaya masayado kong
minamadali.
Pagsapit
ng ikatatlo ng hapon ay pumunta ako sa aming simbahan kasama ang aking kapatid
at ang aking kaibigang si Nems. Kami ay pumunta doon dahil kinakailangan naming
pumunta doon dahil may pagpupulong at magpapraktis na rin ng aming mga
tutugtugin para sa darating na bagong taon.
Naglakad
lang kami papunta doon upang makatipid sa pamasahe at hindi naman kami nahuli. Gabi
na nang matapos ang aming pagpupulong at tsaka ko nalaman na doon pala
matutulog ang dalawa kong kasama at nagdala na sila ng kanilang mga damit. Wala
tuloy akong kasama sa pag-uwi kaya doon nalang ako pinatulog ni mama at
kinabukasan nalang ako uuwi.
No comments:
Post a Comment