Maaga akong gumising ngayon dahil ako'y nakibahagi sa aming
simbang madaling-araw. Pagkatapos nito'y sumunod naman ang pananalangin sa
umaga at ako'y nakibahagi rin dito at tsaka tumulong sa pagluluto ng almusal
para sa mga taong nakibahagi.
Pagkatapos nito'y
nagteks si mama na dadaanan at susunduin na ako ni papa kaya inihanda ko na ang
mga gamit ko at habang naghihintay ay naglinis muna kami ng simbahan at
maya-maya'y dumating na si papa at ako'y umuwi na sa aming bahay.
Pagkarating ko'y kumain
muna ako ng para sa pananghalian kahit na maaga pa at tsaka natulog muna dahil
sa sobrang antok.
Halos hapon na
nang ako'y magising at tsaka ko ginawa ang aking mga proyekto ngunit ako'y
ipinatawag ng aking nag-iisang ninong na papa ni Nemuel na aking kapit-bahay na
kaklase. Hindi ko sana balak na mamasko dahil nahihiya ako ngunit pagdating
doo'y pinamaskuhan ako ng aking ninong at ako'y nagmano sa kanya. Natutuwa
talaga ako sa ninong kong ito kahit na medyo may edad na dahil lagi niya akong
pinapayuhan tungkol sa iba't-ibang bagay at akin namang pinakikinggan ang mga
ito dahil na rin daw sa ikaayos ng buhay ko.
No comments:
Post a Comment