Maaga akong nagising dahil sa ingay ng aking mga kasama sa bahay
kaya't ako'y bumangon na dahil hindi na ako makatulog. Matapos mag-almusal ay nagyaya
si papa na magbisikleta hanggang River park, at dahil ayokong
kaming dalawa lang ni papa, ginising ko ang
natutulog kong kapatid upang pasamahin, at tatlo kaming
pumaroon.
Nang
makarating na kami ay sandali kaming nagpahinga sa tabi ng isang mangingisda na
nasa tulay at tsaka nagpatuloy. Nakarating kami hanggang RiverBanks at doon ay
muling nagpahinga at pagkatapos ay umuwi na kami.
Nagmadali
na kami sa aming pag-uwi dahil umaambon at baka kami'y abutin ng malakas na
ulan.
Mag-iikasampu
na ng umaga nang kami ay makarating na sa bahay tsaka ko muling sinimulang ang
paggawa ng aking proyekto. Nang mag-iikatatlo na nang hapon ay muli kaming
bumalik ng Marikina upang mamili dahil maraming mura kapag buwan ng Disyembre.
Pagkatapos ay umuwi na kami dahil gabi na.
Nakakatuwa naman ang mga ginawa mo. Natutuwa din ako at Filipino talaga ang ginamit mong wika. :))
ReplyDelete