Mahal kong Talaarawan ,
Ito ang araw na simula ng bakasyon ngunit
hindi ko ito ramdam dahil may mga proyekto rin akong ginagawa pero kahit ganoon
ay natutuwa pa rin ako dahil siguro isa ito sa mga dahilan upang hindi ako mainip
ngayong bakasyon.
Dahil walang pasok, wala rin akong dahilan upang tumaggi na tulungan si mama sa
kanyang paglalaba. Pagkatapos niyan ay nagpahinga na ako habang tumutugtog ng
gitara. Masaya ako dahil may bago akong kantang natutunan, ang twinkle twinkle
little star at ang panimula ng temang kanta sa crazy little thing called love
na someday ata yun.
Pagkatapos
kong magpahinga ay nagsimula na akong magbasa ng bibliya dahil may maikling
pagsusulit kami sa aming simbahan tuwing linggo at para na rin may matutunan at
maisabuhay.
Ako
ay maagang matutulog ngayon dahil hindi ko pa magawa ang proyekto ko sa T.L.E.
dahil sa Marikina pa ako bibili ng pandikit at malaking mighty bond dahil mahal
dito sa amin.
No comments:
Post a Comment