Sa aking pagpasok sa silid-aralan ay ako'y
nahuli kaya't ako ay nagmadaling umupo sa aking upuan habang nakatalikod ang
aming guro. Gaya ng kahapon, Ilan sa aming
guro ay wala kaya naman ako'y muling nabagot at dahil dala ng aking kaklase ang
kanyang gitara, kami ay nagtugtugan
nalang.
Pagkatapos
ng aming klase ay hindi muna ako umuwi dahil nagpaturo sa akin ang kaklase ko
ng gitara kaya saktong maglalabindala na ng tanghali ako nakauwi at naghahanda
na rin c mama ng aming pananghalian.
Nang
ako ay makakain ay ako'y natulog dahil gusto ko talagang tumangkad kahit parang
malabong mangyari. Paggising ko'y kumain na ng hapunan at nanood kami ni papa
ng pelikula dahil nakahiligan namin ang manood ng mga pelikula na dinawnlowd
dahil wala kaming telebisyon kaya maghahatinggabi na naman ako nakatulog.
No comments:
Post a Comment