Ngayon ay araw ng sabado kaya masyadong akong naging abala nitong
araw na ito. Ako ang nakaatas sa pagdidilig ng mga halaman dito sa aming
simbahan kaya tuwing umaga ay ito ang aking ginagawa sa tuwing matapos akong
mag-almusal.
Pagkatapos
magdilig ay nagsimula na ang aming pagpapraktis. Ang unang nagpraktis ay ang mga
nasa gulang at kasali ako doon dahil ako ang tumutugtog ng pyano. Ang sumunod
na mga nagpraktis ay ang mga babaeng kabataan at ako din ang nagpyano doon.
Sumunod naman ang mga lalaking kabataan at ako din ang nagpyano sa kanila at
tsaka kami kumain ng hapunan. Ang mga awiting pagpupuri na aming pinaraktis ay
para sa darating na bagong taon.
Sumakit ang mga
daliri ko matapos ang aming pagpapraktis dahil wala ang isa pang tumutugtog ng
pyano sa aming simbahan at matatagalan siya bago makabalik kaya ako ang
isinalang.
No comments:
Post a Comment