Tata
Selo
Ang akdang "Tata Selo" ay pumapatungkol sa mga hirap na dinanas ni Tata Selo at ang kawalan ng hustisya.
Tata Selo
Ni Rogelio R. Sikat
Maliit
lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang
tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano,
ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan
ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa
istaked.
“Totoo
ba, Tata Selo?”
“Binabawi
niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa
loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang
kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik.
Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi
ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang
hindi ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos
ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang
harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong
ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na
alikabok.
“Bakit
niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa
partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya
ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong
magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi
pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa
rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na
pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked.
Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang
naninigarilyo.
“Binabawi
po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung
wala na akong saka?”
Kumumpas
ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya
ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya
anumang oras.”
Halos
lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako
po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa
binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba
ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang
aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang
iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung
hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa
kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa.
Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay!
tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo,
tingnan po n’yo.”
Dumukot
ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at
lumapit sa isang pulis.
“Pa’no
po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa
pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang
magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na
sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may
halas. May sukbit itong lilik.
“Pinutahan
niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka.
Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako,
sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala
na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang
ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay
po ba?”
Namuti
ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa’no
pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong
taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at
kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga
magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo.
“Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong
humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi
pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito,
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang
busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa
nag-aalisang tao.
Tumigil
ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay
po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan
at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang
dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan
po tinamaan?”
“Sa
bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing
inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik
na matanda!”
Nagkagulo
ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng
batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo
at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa
istaked.
“Mabibilanggo
ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo
ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa
harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.\
“Pa’no
nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal
bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi
po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis
doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at
naembargo.”
“Alam
ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok
si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha
sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako
po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong
magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente,
malakas pa po.”
“Saan
mo tinaga ang kabesa?”
Matagal
bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa
may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa
pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko
ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa
pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi
niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit
po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po
naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po
niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga
mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik
sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok
doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang
tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab
na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
“Ang
inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi
sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong
ka,” anang hepe.
Lumunok
si Tata Selo.
“Umuwi
na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa
po ng umaga.”
“Di
ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong
buwan na po.”
“Bakit
siya umuwi?”
Dahan-dahang
umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May
sakit po siya?”
Nang
sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana
sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang
manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay
mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na
nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi
po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok
ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod
po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing
katwiran ni Tata Selo.
hi
ReplyDelete