Hindi na nakakapagtaka kung bakit huli na
naman akong dumating sa klase. Sa pagtakbo ko papuntang silid-aralan ay muntik
pa akong madapa dahil sa bigat ng aking dala-dalang
kustal dahil dala ko pa rin ang lahat ng aking kwaderno dahil umaasa akong
papasok na ang iba naming guro. Ngunit wala na naman sila kaya parang walang
pinagkaiba ang kahapon sa ngayon.
Ngayon
din nakatakda ang araw na manonood ng cultural show ang aming pangkat ngunit
hindi na ako sumali hindi dahil ayokong mapanood ang sayaw ng punong-guro at hindi rin dahil sa wala akong pambayad ng tiket, kundi dahil ayoko lang at ang araw-araw na paulit-ulit na
pagpapraktis ng mga kaklase kong magtatanghal ay napanood ko na kaya nwalan ako
ng kasabikan na panoorin pa ito.
Isa
rin ako sa mga inatasan ng aming guro sa T.L.E. na magsasagawa ng programa para
sa pagpili ng pinakamagandang maliit na modelo ng bahay. Kailangan din dito ng
mga mgatatanghal at isa ako sa mga iyon pero dahil kaunti ang mga nagtanghal sa
ibang pangkat ay ako ang pinatanghal ni titser na hindi ko inaasahan. Puro
pag-gigitara ang ipinakita ko, at dahil diyan, sumakit ang mga
daliri ko.
Pagkatapos ng klase ay lumabas ako at
may nakipagkamay sa akin na isang lalaki na isa rin sa mga nagtanghal gamit ang
gitara. Nakipagkamay siya at sinabi ang kanyang pangalan at gayundin ang ginawa
ko. Siya'y si Lorence na magaling din maggitara.
No comments:
Post a Comment