Mahal kong Talaarawan ,
Sa pagpasok ko sa aming silid-aralan ay nakaramdam
ako ng konting kaba dahil sa takot na matawag ng aming mga guro dahil halos
tatlong linggo akong lumiban sa klase gawa ng ako'y isa sa mga nagpipinta para
sa mural painting contest at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa aming
klase at kung ano na ang kanilang tinatalakay na mga aralin.
Ilan sa aming mga guro ay hindi pumasok at
nagturo kaya naman ay medyo nakakabagot dahil na rin kakaunti lang kami sa
aming silid-aralan dahil halos lahat ng aming mga kaklase ay magtatanghal sa culural
show.
Pagkatapos ng aming klase ay ako'y umuwi na upang
kumain. Pagkatapos nito'y ako'y natulog at nagising na ng hapon. Pagkakain ko
ng hapunan ay muli akong natulog dahil sa antok.
No comments:
Post a Comment