Mahal kong Talaarawan ,
Sa paggising ko palang ay agad na akong
pinaligpit ni mama ng higaan dahil nais niya na hugasan ko na ang mga pinggan
dahil wala nang mapagkainan, madalas kasing
iniiwan ko ang mga pinggan na hindi hugas sa gabi dahil nakakatamad at inaantok
na ako.
Pagkatapos nito ay tsaka ako nag-almusal ng
pandesal at tsaka ko inayos ang aking mga damit sa lagayan nito dahil halos
dalawang beses ko lang ito ayusin.
Nang mag-ikasampu na ng umaga ay ako'y
naghanda na dahil ako'y pupunta pa ng aming simbahan sa Penafrancia upang
magpraktis dahil ako ang tumutugtog ng piyano o di kaya'y gitara. Kung minsa'y
inaabot kami ng gabi doon kaya nagbabaon ako ng aking mga damit. Sabay kaming
umalis ng aking kaklase at kapit-bahay na si Nemuel dahil siya ang nagtatambol.
Sobra ang trapik papuntang Masinag, at nang kami ay sumakay ng dyip papuntang Cogeo ay nakita namin
sa unahan ang hindi mahulugang karayom na mga sasakyan. Nagdesisyon kami na
maglakad at mabuti na lang ay hindi pa kami nakakapagbayad.
Pagod
na pagod kami nang makarating dahil halos dalawang oras kaming naglakad at
tsaka kami ay kumain na at nagpahinga. Ako'y doon na natulog dahil inabot kami
ng gabi dahil sa dami ng ginawa.
No comments:
Post a Comment