Pagkagising ko ay agad kong niligpit ang aking hinigaan dahil ako'y
makikibahagi sa morning devotion. Pagkatapos ay tsaka kami nag-almusal kasama
ang aming pastor.
Habang
kami ay nag-aalmusal ay dumating na si papa upang ako'y sunduin at ako'y nagpaalam
sa kanila at umalis na kami. Bago kami umuwi ay ipinasyal muna ako ni papa kung
saan siya palaging gumagawi kung siya'y nagbibisekleta at tsaka kami umuwi.
Pagdating
sa bahay ay sinamantala ko na naman ang paggawa ng aking proyekto at malapit ko
nang matapos ngunit kinakailangan ko nang bumalik sa simbahan dahil may praktis
pa kami kaya binalak kong dadalhin ko na lang ang aking proyekto upang doon
gawin dahil hanggang bagong taon ako doon , ngunit
nagpumilit si papa na siya na lamang ang gagawa kaya pumayag naman ako.
No comments:
Post a Comment