Sunday, December 23, 2012

Ayan Tuloy Naligaw !

Mahal kong Talaarawan ,

        Kami ng aking mga kaibigan na kasamang natulog ay maagang gumising dahil kami ay nag-ayos ng pagdarausan ng simba. Kami ring mga kabataan ang nagtuturo sa mga bata tungkol sa salita ng Diyos.
    Nang maggagabi na'y nagyaya ang isa kong kaibigan na pumunta ng Riverbank at ako'y sumama. Sobrang saya talaga dahil pagkagaling namin sa SM Marikina ay naglakad kami papuntang palaruan sa may tiangge at sa damuha'y kami'y nagpahinga dahil sa pagod. Kami ay nagkuhaan ng litrato kasama ang palakang nahuli ko at tsaka nagteks ang aming pastor at kami'y pinapauwi na dahil gabi na.
    Nang kami'y pauwi na ay pumunta muna kami sa mga istatwang kalabaw at doo'y nagsiumpukan. Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad pabalik sa overpass sa SM Marikina upang doon sumakay ng dyip. Ngunit ako at ang aking kaibigan na si Cath ay namangha sa pinong-pinong buhangin na dinaraanan namin sa tabi ng ilog kaya't kami'y gumuhit-guhit sa buhangin at naglagay na rin ng isang dakot sa plastik bilang alaala.
Dahil sa sobra kaming nalibang, hindi namin napansin na wala na pala ang iba naming kasama at kami ay naiiwanan na. Hindi ko kabisado ang lugar na iyon dahil halos anim na taon pa lang ako nang huli kaming pumunta doon kasama ang aking mga magulang at ang aking nag-iisang kapatid na lalake.
Kami ni Cath ay kung saan-saan dumaan at sa wakas nakabalik na rin sa SM, ngunit hindi namin alam ang papuntang overpass pero bumili muna kami ng sorbetes sa nakita naming tindahan sa SM at ang dami na palang mensahe sa celpon ni Cath, puro pagtatanong kung nasaan na kami. Dahil sa wala lowd si Cath upang magteks, ako'y nakiusap sa babaeng nagtitinda ng sorbetes na kung pwedeng makiteks dahil naliligaw kami, mabuuti nalang at pumayag. Sinabi nila na nasa overpass sila kaya doon kami pumunta ngunit wala sila doon at muli silang nagteks na nasa baba sila kaya muli kaming tumakbo pabalik, sumakay ng dekoryenteng hagdan, at lumabas ng mall. Silang lahat ay nakaupo sa isang upuan nang makita namin sila, nakatulala at tahimik, nakita ko rin ang mga mata ng aking kapatid na halos paluha na habang nagagalit sa akin.
Sobra talaga akong napagod ng gabing iyon at ikasampu na ng gabi nang kami nakabalik sa simbahan kaya ako'y agad nakatulog.

No comments:

Post a Comment