Banaag at Sikat
Ni Lope K. Santos
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga
hari, punumbayan atalagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at
Magtatamasa ng lubos na
kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang
bayan, siya’y sumunod. Subalititinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga
katulong sa bahay ang kanilangkarapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at
itinakwil bilang anak. Nagbalik siyasa dating pinapasukan sa Maynila at
hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahitdi kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala samalayang
pag-ibig.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na
mawalaang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ngkayamanan
sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo angnagugutom,
nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ngmga anak sa
kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalakisa
isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilangmanunulat
sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindikasing
radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang
ito’ydaanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay
dahan-dahangpag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at
kasakiman ngiilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa
Pilipinas ng mgasimulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na
dalaga at isang anak na lalakingmay asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at
Meni. Si Talia ay naibigan ng isangabogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y
napakarangal at napakagastos, isangbagay na para kina Felipe at Delfin ay
halimbawa ng kabukulan ng sistema nglipunan na pinangyayarihan ng mayayamang
walang kapararakan
kung lumustay ngsalapi
samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa ibapang
pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira
sa bahay ni Don Ramon, nakilala atnaibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon
ay tutol sa pangingibig ni Delfin sakanyang anak; dahil ito’y maralita, at
ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito angkanyang pagkasosyalista sa isang
pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan saAntipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibighanggang
sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon
ang kalagayan ni Meni, hindinila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don
Ramon; sinaktan nito si Meni athalos patayin. Sa
amuki
ni Madlanglayon, pumayag
si Don Ramon na ipakasal siMeni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang
testamento na nag-iiwan ng lahat ngkayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay
hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa
buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.Paminsan-minsan, kung
mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damito nagsasangla ng
kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdamat ikinahiya ni
Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sapangangailangan.Sa
simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, atpinadadalhan
ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalanghanggang tuluyang
mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, siDon
Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangangginawa ni
Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos atEuropa, kasama
ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik saPilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ngmaraming
babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ayang
pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan niMeni.Samantala,
nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais namakapaghanda ng
isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mgakaugalian, si Meni ay
nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfinna tutol sa lahat ng karangyaan.
Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamangmakatanggi sa
kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilanganarkista ay
laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mgapangunahing
dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nilaDelfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikangnakasasagip
sa gayong pangyayari.Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating
ng isangkablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamangutusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay,sumalubong
ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni DonFelimon, kasosyo ni
Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod naSabado ang lahat ng
hindi sasalubong.Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang
kapatid niTentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas,
kasamang isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y
ipinagbili o ipinahingisa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante.
Dahil dito, nakapagpalibot siyasa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at
pagkatapos ay nanirahan sa Cuba atCalifornia, at sa wakas ay namalagi sa New
York. Doon siya nakilala at nagingkaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na
naninirahan sa isang hotel namalapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si
Ruperto ang nagsabi kay Felipe nakaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa
kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.Ang libing ni Don Ramon ay naging
marangya, kagaya ng kasal ni Talia.Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng
mayamang pamilya ni Don Ramon angugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap
ng maraming mamamayan. Salibingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng
talipsilim sa pagpapalitan ngkuro-kuro at paniniwala.Naalaala ni Felipe ang
kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ngkanyang ama. Nasambit ni Delfin
ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga
mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang namagpamana ng yaman at
kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganapna kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mgakasamang
umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailanganglumaganap ang
mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sabuong daigdig
bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan ninaFelipe at Delfin
ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nitosa Europa, sa
Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay nanapuputi sa
pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparissa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas angpaninindigan
ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ngdugo.Sa kabila
ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sapagsasabi,
sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwannati’t
palipasin ang diin ng gabi."
Larawan: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgiDCjKFP38odY85toQdaGyDh22oTqn8nlDpH72nm2sNTHEKwY3SVLSG7WxBHeSr-857tFhXdYT-DMvDbyd-FHni-1CHXGOyjferYNk7z2f9BOaCQ3DeQv4uP75bxUX39NEyEXRd_G1_Dw/s320/200px-Banaagatsikat.jpg
Larawan: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgiDCjKFP38odY85toQdaGyDh22oTqn8nlDpH72nm2sNTHEKwY3SVLSG7WxBHeSr-857tFhXdYT-DMvDbyd-FHni-1CHXGOyjferYNk7z2f9BOaCQ3DeQv4uP75bxUX39NEyEXRd_G1_Dw/s320/200px-Banaagatsikat.jpg
No comments:
Post a Comment