Monday, October 15, 2012

Ang Alibughang Anak

 Ang talinhaga ng Alibughang Anak ay maiihalintulad sa tulang Luha ni Rufino Alejandro sapagkat parehas itong tumatalakay sa isang bunsong anak na nagpakasaya hanggang sa sila ang masaktan at muling nagbalik sa kanilang magulang upang magsisi at humingi ng tawad. Ang talinghagang ito ay pumapatungkol sa bunsong anak na kinuha ang lahat ng kanyang mana sa kanyang ama at nilustay ito sa  pagpapakasaya at nang maghirap siya at wala nang makain ay muling nagbalik sa kanyang ama upang magsisi at humingi ng kapatawaran at siya namang kagalakan sa puso ang nadama ng kanyang ama at nagdiwang dahil ang naligaw na anak ay muling nasumpungan. Ito ay mababasa sa Lukas 15:11-32.

Ang Alibughang Anak

"May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, "Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko." At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunsong anak ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at naghirap siya. Kaya namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Pinaparoon siya nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Ngunit nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, "Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain – at lumalabis pa – samantalang ako’y namamatay dito sa gutom! Babalik ako sa aking ama, at sasabihin ko sa kanya, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila." Tumindig siya at nagtungo sa kanyang ama.

"Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinagkan. Sinabi ng anak, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak." Ngunit sinabi ng ama sa kanyang alila, "Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan."

Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: "Bakit? May ano sa atin?" Sumagot ito sa kanya, "Dumating po ang inyong kapatid! Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit." Nagalit ang panganay at ayaw pumasok. Kaya lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi niya, "Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!" Sumagot ang kanyang ama, "Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan."

Luha ni: Rufino Alejandro

 Ang tulang Luha ni Rufino Alejandro ay pumapatungkol sa pagsisisi ng bunsong anak na kumalimot sa mga payo ng kanyang mga magulang at sumabak sa dagat ng buhay. Naging marupok siya at sa bandang huli ay bumalik siya sa puntod ng kanyang mga magulang na may pagsisisi at pagtangis upang mabawasan ang sakit na nararamdaman.

LUHA
RUFINO ALEJANDRO

I
Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!
II
Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay,
ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan."
III
Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap
IV
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
V
Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha ang aking palad na napakaapi!
VI
Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!

Sunday, October 14, 2012

Tuesday, October 9, 2012

Banghay ng Nobela

Banghay ng Nobela

Simula
– Nakikilala ang mga pangunahing tauhan at ang napipintong suliranin.
Tumutinding Galaw – Naglalahad ng mga pangyayaring aakay sa mga mambabasa tungo sa pagtingin sa dahilan ng suliraning may kinalaman sa pangunahing tauhan.

Kasukdulan – Mga pangyayaring nagdudulot ng kasawian sa pangunahing tauhan na kalimitan ay gawa ng kalaban.
Wakas – Ito ang bahaging naglalahad ng mga pangyayaring kinahihinatnan ng pangunahing tauhan. Dito rin mababatid ang resolusyon sa mga inihaing suliranin.

Kinahinatnan ng mga tauhan sa Noli Me Tangere


Kinahinatnan ng mga sumusunod na Tauhan


Padre Damaso

 Nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila at di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayongprobinsiya. Kinabukasan, siya ay natagpuang patay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot angsanhi ng kanyang ikinamatay.

Padre Salvi 
 Habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa simbahan ng Sta. Clara.

Kapitan Tiyago
 Dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala samga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diegosapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya.      Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya satindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang datingmarangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao.Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang.

Donya Victorina
 Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya ay taga-Andalucia.Siya ngayon ang nangungutsero.

Don Tiburcio
 Si Don Tiburcio ay hindi na pinakikilos ni Donya Victorina. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang"doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.

Linares
 Nailibing na sa sementeryo ng Pako. Ang ikinamatay niya ay sakit na iti ang masamang pakikisama sa kanya ng hipag nasi Donya Vitorina.

Alperes
 Umuwi sa Espanya at tinalikdan na ang kalaguyong babae.

Donya Consolacion
 Naging mapag-isa at at walang inatupag kundi ang mag-lasing at humithit ng tabako, kaya’t siya ay kinatakutan.

Maria Clara
 May dalawang Guardya Sibil sa bubong ng monastaryo noong bumabagyo. Parang nagdadasal daw siya. Inireport iyonng mga Guardya Sibil. At napabalitaang siyay namatay.

Elias
 Namatay dahil sa binaril siya. Sabi niya kay Basilio na hukayin ang sako at gamitin para makapag-aral

Basilio
 May kumupkop sa kanyang mahirap na pamilya.

Sisa
 Akala ni Sisa na namatay si Basilio kaya inatake siya sa puso

Tiya Isabel 
 Nalulong sa opyum, baraha at sabong

Ibarra
 Nakatakas sa tulong ni Elias. ngunit may diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod niya.



Wednesday, October 3, 2012

Awitin na pumapatungkol sa tagumpay

Ang awiting ito na may pamagat na Buhay na Bayani ay pumapatungkol sa pagtatagumpay ng bawat mamamayang pilipino tungkol sa pagiging mabuting tao.

Islogan

 Ito ang aking islogan na base sa akdang Sa Lupa ng Sariling Bayan. Ang paliwanag nito ay makakamtan lamang natin ang tunay na tagumpay kung ating iwawaksi ang kinikimkim nating mga hinanakit at galit sa ating sarili.

Sa Lupa ng Sariling Bayan

 Ang akdang ito ay pumapatungkol sa buhay ni Layo na kung saan ay dumanas ng hirap sa buhay at sa kanyang amain dahil na rin sa murang edad ni Layo ay pumanaw na ang kanyang mga magulang. Naging abogado si Layo at naging matagumpay sa buhay ngunit siya pa rin ang naging talo sa huli dahil kinimkim pa rin niya galit sa kanyang puso.

Tungo sa Tagumpay

 Kami ay naatasan ng aming guro na sumulat ng isang sanaysay na pumapaungkol sa pagkamit ng tagumpay. Isinaad ko dito ang iba'-ibang uri ng mga bagay na pinagtatagumpayan at kung paano ito makakamit.



Saan Patungo ang Langaylangayan

Ang akdang Saan Patungo ang Langayngayan ay pumapatungkol sa isang taong nais makamtan ang kalayaan dahil sa kanyang pagkakasala na siyang umaalipin dito.

Larawan Tungkol sa Sariling Kalayaan

Ang larawang ito ay pumapatungkol sa aking kalayaan na kung saan ay ako ang sumisimbolo sa sardinas at si Hesus ang sumisimbolo sa abrelata na pinalaya ako mula sa aking mga kasalanan.