Ito ay aming mahabang pagsusulit na base na mga akdang aming pinag-aralan.
Friday, September 21, 2012
Sariling Wakas (Sa Bagong Paraiso)
Ito ay isang gawain na kung saan ay bibigyan namin ng sariling wakas ang akdang Sa Bagong Paraiso. Isinaad ko dito ang pagbubuntis ni Cleofe hanggang siya'y manganak at muli nilang ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral ni Ariel na kung saan ay nagkaroon ng magandang wakas ang kanilang pamilya kasama ang kanilang anak.
Ano nga ba ang Pag-ibig (Takdang-aralin)
Ito ay iniatas sa amin ng aming guro na gumawa ng isang sanaysay na kung saan ay pumapatungkol sa pag-ibig. Isinaad ko dito kung ano ang pag-ibig, iba't-ibang uri ng pag-ibig at kung ano ang idinudulot ng pag-ibig.
Repleksyon
Ito ang aking repleksyon matapos basahin ang awiting Batang-bata ka pa na kung saan ay pumapatungkol sa pagpapayo ng isang ama sa kanyang anak upang hindi mapariwara ang buhay ng kanyang anak at maging matatag sa mga suliraning haharapin nito sa hinaharap.
Takdang-Aralin
Itong gawain na kung saan ay kukunin sa akda ng mga pahayag na nagpapakita ng hindi o walang kalayaan sa akdang Saan Patungo ang Langaylangayan.
Monday, September 17, 2012
Batang-bata ka pa
Ito ay isang awitin na pumapatungkol sa pagpapayo ng isang magulang sa kanyang anak na maraming bagay pa ang hindi nalalaman ng bata sa kanyang buhay na maaaring napagdaanan ng kanyang magulang kaya nais nito na iiwas ang kanyang anak mula sa kapahamakan na ito.
Larawan na nagpapaliwanag sa Bagong Paraiso
Ito ang aking poster sa akdang Sa Bagong Paraiso na may interpretasyon na ang dalawang bungo sa unahan ay pumapatungkol sa mga magulang nila Cleofe at Ariel na itinuring nilang humahadlang sa kanila dahil nga sa paghahangad nila ng bagong paraiso na hindi nila alam ang patutunguhan na mundo na kanilang nais.Ako ay nakakuha ng 94%.
Kanlungan
Ang Kanlungan ay isang awitin na pumapatungkol sa dalawang nag-iibigan na gumagamit ng at inihahalintulad sa kalikasan.
Repleksyon
Ito ay isa sa aming takdang-aralin na kung saan ay humango ako sa akdang Sa Bagong Paraiso ng isang pangyayarin na totoong nangyayari sa tunay na buhay.
Friday, September 14, 2012
Sa Bagong Paraiso
Ang akdang "Ang Bagong Paraiso ay pumapatungkol sa pagsuway ng dalawang taong nagmamahalan sa kanilang mga magulang dahil na rin sa nais nilang bumuo ng kanilang sariling mundo at hindi na pinapansin pa ang mga nasa paligid nila at ito ay ginamitan ng teoryang romantisismo.
Ang Tunay na Paraiso
Kami ay naatasan ng aming guro na gumawa ng ng isang tula na malayang taludturan na kung saan ay pumapatungkol sa kalikasan na gagamitan ng Pananaw Romantisismo.
Repleksyon
Ito ang aking bisang pandamdamin at pangkaisipan mula sa tulang "Sa Tabi ng Dagat". Ipinahahayag ko dito ang mga nabago sa aking isipa't damdamin matapos kong mabasa ang tula.
Ang Tugon
Ito ang ginawa kong tula na pumapatungkol sa maaaring maging tugon ng anak sa kanyang ama mula sa akdang "Ang Guryon" ni Ildenfonso Santos na sa ami'y inaatas ng guro.
Tuesday, September 4, 2012
Takdang-Aralin
Ito ay isa sa aming takdang-aralin na kung saan ay aking ginawaan ng repleksyon ang akdang Kahapon, Ngayon at Bukas. Kami ay inatasang tukuyin ang mga pangyayaring dapat pahinain at palakasin. Ibinigay ko rin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin.
Wander Nanay
Ito ay isa sa aming mga gawain na gumawa ng sanaysay tungkol sa isang ina na aming kilala. Ang inang tinukoy ko dito ay ang aking ina at ako ay nakakuha ng 87%.
Takdang-Aralin
Ito ay isa sa aming takdang-aralin na kung saan ay gumawa ako ng repleksyon sa akdang Dekada '70 batay sa bisang pandamdamin at ang bisang pangkaisipan.
Gawain
Ito ay isa sa aming mga gawain na kung saan ay tutukuyin namin ang mga hiram na salita at salitang maylapi at muli itong papaikliin o ibabalik sa payak na salita.
Takdang-Aralin
Ito ay isa sa aming takdang-aralin na kung saan ay isusulat namin ang mga pangyayari sa akda na tunay na naganap noong dekada '70.
Pagsusulit
Sa pagsusulit na ito na iniatas sa amin ay aming ibabalik muli sa orihinal ang mga pina-ikling salita at ako ay nakakuha ng 90%.
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang
Pampanitikan
Teoryang
Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
pagiging klasik
at makalumang bagay. Naipapakita rin ang
pagkamarangal ng mga
tauhan batay sa
kilos, paniniwala, pananalita at paghahatid ng kaisipan.
Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay binibigyang
pansin ang larawang-diwa o imahe.
Tumutukoy ito sa mga malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
Ang layunin ng teoryang ito ay pagtuunan ng
Larawan:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiEMiv3UoxyKl08lVBjckAVS9h_iPz0XTOtCqHsk8_wWmEqSj2pWRd6Ig_MPzmbJ8eEAn8yR-u8qYwFxAlaPNYEhK1OKyFGLZBWk_AT-_ouSwZYvVskRaJYwMuvexu9-JDpUaF87GhbOg7H/s1600-h/pen_book.jpg
http://peoplethings.com/andblog/wp-content/uploads/2009/03/pipandco_iorosz_imahe-_090318.jpg
http://i.i.com.com/cnwk.1d/i/tim/2010/11/12/wandering-mind-iStock_00000_620x350.jpg
http://fc08.deviantart.net/fs71/f/2010/045/f/9/talent_and_human_light_stand_by_naitsobikza.jpg
http://www.maurilioamorim.com/wp-content/uploads/2011/03/decision-making.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgwoKCIQoFCXrO5Jry7GfTxbxG5Qyatv21XCs7_EIQDOyHOqOu95Zg70T_0LyerE7TQNVmH820Hve0xogyx8Rw78oX0UmfM2lCgaBC_vZspuEwYbr8hoHueETCTxhAJ7mBPCgOC5W5pS_w_/s1600/street+children.jpg
pansin ang larawang-diwa o imahe.
Tumutukoy ito sa mga malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay pagtuunan ng
pansin
ang aspeto ng pagtakas ng tao sa
katotohanan.
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang
tao
ang sentro ng mundo at ipinapakita ang
pagiging marangal at kapuri-puring
katangian
na makatutulong upang maitaas ang karangalan
ng tao bilang sentro ng
akda.
Teoryang Eksistenyalismo
Ang layunin ng teoryang ito ay pagtuunan ng
pansin ang kalayaan ng tauhan na pumili o bumuo
ng desisyon at kung paano niya
ito haharapin.
Teoryang Realismo
ang katotohanan at base sa nakikita natin
sa realidad.
Larawan:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiEMiv3UoxyKl08lVBjckAVS9h_iPz0XTOtCqHsk8_wWmEqSj2pWRd6Ig_MPzmbJ8eEAn8yR-u8qYwFxAlaPNYEhK1OKyFGLZBWk_AT-_ouSwZYvVskRaJYwMuvexu9-JDpUaF87GhbOg7H/s1600-h/pen_book.jpg
http://peoplethings.com/andblog/wp-content/uploads/2009/03/pipandco_iorosz_imahe-_090318.jpg
http://i.i.com.com/cnwk.1d/i/tim/2010/11/12/wandering-mind-iStock_00000_620x350.jpg
http://fc08.deviantart.net/fs71/f/2010/045/f/9/talent_and_human_light_stand_by_naitsobikza.jpg
http://www.maurilioamorim.com/wp-content/uploads/2011/03/decision-making.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgwoKCIQoFCXrO5Jry7GfTxbxG5Qyatv21XCs7_EIQDOyHOqOu95Zg70T_0LyerE7TQNVmH820Hve0xogyx8Rw78oX0UmfM2lCgaBC_vZspuEwYbr8hoHueETCTxhAJ7mBPCgOC5W5pS_w_/s1600/street+children.jpg
Monday, September 3, 2012
Sumisimbolo sa aking buhay
Bahaghari, Sumisimbolo ito na sa bawat problema ay may kasunod na magandang pangyayari, katulad na lamang pagkatapos ng ulan ay may lumilitaw na bahaghari na nagpapahiwatig ng panibagong pag-asa sa akin.
Sumisimbolo sa aking buhay
Sa Tabi ng Dagat
Ang tulang sa tabi ng dagat ay patungkol sa bawat panahon ng pag-iibigan ng magsing-irog. Mula sa umaga na sinusuyo ng binata ng dalaga hanggang sa pagsapit ng hapon na ang ibig sabihin na kung minsa'y sa huli ay maaaring mawala ang damdamin nila sa isa't-isa.
Sa Tabi Ng Dagat
Ni : Ildefonso Santos
Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom ng rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapithapon,
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…
Nobela
Ang nobela ay isang mahabang
kwentong piksyon na binubuo
ng iba't-ibang kabanata.
Larawan:http://www.google.com/imgres?q=nobela&um=1&hl=en&sa=N&biw=1440&bih=809&tbm=isch&tbnid=NM67fBU7hxockM:&imgrefurl=http://komiklopedia.wordpress.com/2008/09/04/nobela-klasiks-gallery/nobela97-2/&imgurl=http://komiklopedia.files.wordpress.com/2008/09/nobela97.jpg&w=286&h=448&ei=Y39EULGkGoSYiAfY-IDQDA&zoom=1&iact=rc&dur=338&sig=107880134356801663372&page=1&tbnh=158&tbnw=101&start=0&ndsp=32&ved=1t:429,r:1,s:0,i:78&tx=55&ty=48
Magkaisa
Ito ay isang awitin na angkop sa People Power Revolution sa Edsa noong dekada '70 mula sa pamumuno ni Ferdinand Marcos. Nakapaloob sa awiting ito ang pagmamahalan, pagdadamayan at pagkakaisa ng mga pilipino.
Magkaisa
ni : Virna Lisa
Ngayon ganap ang hirap sa
mundo
Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa'y ilaan
Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala
Chorus
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)
Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw)
Kahit ito (sa atin Siya'y nagmamahal)
Ay hirap at dusa
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin Siya'y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa
Ngayon may pag-asang natatanaw
May bagong araw, bagong umaga
Pagmamahal ng Diyos, isipin mo tuwina
(Repeat Chorus)

Dekada '70
Ang Dekada '70 ay isang realismo na patungkol sa pag-aalala ni Amanda sa kanyang anak na si Jules dahil naghihinala ito na maaaring ang anak niya ay kasapi sa rebolusyon.
Dekada '70
(kabanata IV)
ni : Lualhati Bautista
Buod ng Kahapong, Ngayon at Bukas
Ang Kahapon, Ngayon at Bukas ay isang klasisismo batay sa pananalita ng mga tauhan at pagpapasunod sa iba pang mga tauhan. Ito ay patungkol sa lihim na pagsalakay nila tagailog kay Haringbata na nagnanais na mapasakanya si Inangbayan.
Buod ng Kahapong, Ngayon at Bukas
ni : Aurelio Tolentino
Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inang bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.

Buod ng Noli Me Tangere
Ang salitang Noli Me Tangere ay nangangahulugang "Huwag mo akong hawakan". Dahil ang akdang ito ay patungkol sa pakikipagsapalaran ni Crisostomo Ibarra na makatakas mula sa mga tumutugis sa kanila kasama si Elias.
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.
BUOD NG NOLI ME TANGERE
ni : Jose P. Rizal

Subscribe to:
Posts (Atom)