Tuesday, August 21, 2012

Bisang Pangkaasalan



Bisang Pangkaasalan
   Ang Bisang Pangkaasalan naman sa pagkakaroon ng pagbabagong naganap sa iyong pananaw mula sa kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.




Larawan : http://thefourthrevolution.org/wordpress/wp-content/uploads/2012/02/eye-world.jpg

Bisang Pandamdamin



Bisang Pandamdamin
   Ang Bisang Pandamdamin ay tumutukoy naman sa pagbabago sa iyong damdamin matapos mabasa ang isang partikular na akda.




Bisang Pangkaisipan


Bisang Pangkaisipan



   Ang Bisang Pangkaisipan ay tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong isipan matapos basahin ang isang akda.

Ang Guryon


Ito ang unang akdang aming tinalakay sa ikalawang markahan na kung saan ang bawat saknong ay may kahulugan tungkol sa buhay ng tao.


"Ang Guryon"
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.




At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya'y mapatid;


kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!


Thursday, August 2, 2012

Pagsusulit

Ito ay isa sa aming mga pagsusulit na kung saan ay nakakuha ako ng 7/10 na may katumbas na 80%.

Ang Paborito Kong Guro

Kami ay inatasan ngaming gurona sumulat ng isang paglalarawan sa paborito naming guro ngayong sekondarya. Aking inilarawan ang paborito kong guro batay sa kanyang pag-uugali at kung ano ang nag-udyok sa akin upang siya ang aking maging paboritong guro. Ako ay nakakuha ng 85%.



Larawan na nagpapakita ng pag-ibig at mga pagsusulit

Ito ay ang larawan na nagpapakita ng pag-ibig at iba pang mga pagsusulit. 


Pagbibigay reaksyon sa wakas ng kwento

Sa gawaing ito ay pinagbasihan namin ang palabas na Crazy Little Thing Called Love. Binigyang reaksyon namin ang wakas ng kwento batay sa kalakasan at kahinaan na ginamit, pagkamakatotohanan at hindi pagkamkatotohanan ng wakas. Ako ay nakakuha ng 85%.


Sa Aking mga Kababata

Sa akdang ito ay nais ni Ginoong Rizal na dapat nating mahalin ang sariling wika at huwag nating isantabi bagkus ating pagyamanin at panatilihin.Ako ay nakakuha ng 85%.



Pagsusulit bilang 5

Ito ay isa sa aming mga pagsusulit na kung saan ay nakakuha ako ng 7/10 na may katumbas na 80%.

Gawain

Dito ay inatasan kami ng aming guro na gumawa ng aming paglalarawan sa aming kaibigan o karanasan na hindi namin malilimutan. Ako ay nakakuha ng 84%.


Takdang-Aralin

Ito ay isa sa aming mga takdang-aralin na kung saan ay aming isinalin ang mga matatalinhagang salita sa pangkaraniwan na salita na ginagamit ngayon. At ang mga linyang ito ay makikita sa akdang Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal.



Pagsusulit

Sa gawaing ito ay pinagkumpara namin ang dalawang akda na Luhang Buwaya at Mga Ibong Mandaragit batay sa mga elemento ng ginamit, ito ay tauhan, pangyayari, aral at tema. Ako ay nakakuha ng 4.



Poster

Ito ang aking interpretasyon mula sa akdang  “AngPag-ibig”  ni Emilio Jacinto. Ipinapakita dito kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng pag-ibig base sa akda na naglalaman ng iba’t-ibang uri ng pag-ibig. Ako ay nakakuha ng 90%


Islogan

Sa gawaing ito ay inatasan kami na gumawa ng islogan mula sa akdang walang panginoon. Ako ay nakakuha ng 88%


Pagsusulit bilang 2

Ako ay nakakuha ng 8/10 na may katumbas na 88% sa pagsusulit na ito.

Jaguar

Ito ang akdang tinalakay namin kanina ay patungkol kayPoldo na isang gwardya. Ipinagtanggol niya ang kanyang amo at itinuturing niya ring matalik na kaibigan mula sa kaguluhan sa kanilang lugar dahil itong kanyang amo ay mahilig sa gulo kaya si Poldo ang napuruhan.Ako ay nakakuha ng 85%