Friday, November 23, 2012

Sa Pula, Sa Puti


Ang dulang ito ay pumapatungkol sa mga masamang naidudulot ng pagsasabong o kahit anong sugal. Hindi lang tayo ang naaapektuhan kundi ang mga taong nakapaligid sa atin.



Sa Pula, Sa Puti
Ni: Francisco “Soc” Rodrigo

Si kulas ay isang sabungarero na halos araw araw ay laging nasa sabungan pero lagi siyang natatalo sa laban,kaya sa isip isp niya ayaw na niyang mag sabong kaylanman at ayawa niya ring makita ang sabungan..
si celing ay isang asawa ni kulas na tinatago sa kanyang asawa na si kulas na pumupusta sa sabungan upang si kulas ay matalo man siya na man ay nananalo para hindi sila maubusan ng kwarta ..
umuwi si kulas sa kanilang bahay na naka simangot . at tinanong ni celing kung bakit siya ay nakasimangot at ang sabi ni kulas natalo na naman ako ! ayoko nang mag sabong kaylanman at ayoko na rin makita ang sabungan na iyan. sabi ni ..sabi ni naman ni celing buti namn natauhan ka narin sa wakas ...
oh siya kulas aalis muna kami ni sioning pupunta lang kami kila maring kikay bibili lang kami ng mga sabong ni sioning at baka maubusan kami ni sioning;;
sige!
biglang dumating si castro -kamusta kana kulas bakit ka nanamn nakasimangot?
ang sabi namn ni kula -e;kasi lagi nalang ako natatalo sa sabungan. ilang kwarta na ang nawawala sa akin..anoh kaba kulas bakit hindi kana mag sasabong porket na talo kalang ?ang sabi ni castro 
oo dahil sa natalo ako at dahil rin sa marami ng nakakatalo sa akin ang sabi namn ni kulas..
alm mo kulas may teknik ako para ako ay manalo 
ano yun castro??
gusto mo bang malaman kulas?
oo!ano namn yun?
kumuha ka ng manok mo kulas .at agad namn kumuha ng manok si kulas !!
o eto na castro ung manok ko..
cge kumuha ka ng karayom 
sabi namn ni kulas ano?kukuha ako ng karayom 
oo pra mai pakita ko sayo kung bakit ako lagi natatalo
at agad namng kumuha ng karayom si kula at ibinigay nito kay castro
okie !!sa paahan ng manok mo ay inject natin para maging mahina .
tapos pupusta ka sa kalaban yan ang ginagawa ko 
ang pintig ni castro 
at ang sabi naman ni kulas di ba castro pan daraya yan
oo pero ang lahat ng kalaban mo ay nandaraya rin
sabagay ,kaylangan ko rin ng kwarta
at biglang umalis si castro at dumating si celing
bigla ring umalis si kulas para pumunta ulet sa sabungan
at si celing ay pinatawag si teban para pumusta sa sabungan ..ang sabi ni celing kay teban ay eto ang dalawang limang piso i pusta moh..
at agad naman umalis si teban upang pumaunta sa sabungan
mga ilang oras dumating si teban na nakasimangot at ang tanong ni celing teban bakit ka malungkot?at ang sagot naman ni teban kasi po natalo po tayo sa sabungan e
sabi namn ni celing okie atleast nanalo si kulas 
sumunod namn si kulas bakit ka nakasimangot nanaman 
ang sagot namn ni kulas e kasi natalo nanaman ako 
ayaw ko na talaga mag sabong
nagtataka si celing kung saan ng galing ang kanilang perang mahigit dalawangput lima na kwarta at itoy naghihinala kay teban ngunit si teban ay hindi nagnakaw talagang natalo siya 
simula noon si kulas ay hindi na nag sasabong.

Banaag at Sikat


  Ang nobelang ito ay tumatalakay na isa ang kayamanan sa mga huhahadlang sa pag-iibigan ng dalawang tao. Madalas ang tinitignan ay ang antas ng pamumuhay bago ang kalooban nito.

Banaag at Sikat
Ni Lope K. Santos

 Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan atalagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at
Magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalititinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilangkarapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siyasa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahitdi kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala samalayang pag-ibig.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawalaang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ngkayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo angnagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ngmga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalakisa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilangmanunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindikasing radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’ydaanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahangpag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ngiilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mgasimulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalakingmay asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isangabogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isangbagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema nglipunan na pinangyayarihan ng mayayamang
walang kapararakan
kung lumustay ngsalapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa ibapang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala atnaibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sakanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito angkanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan saAntipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibighanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindinila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni athalos patayin. Sa
amuki 
ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal siMeni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ngkayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damito nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdamat ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sapangangailangan.Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, atpinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalanghanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, siDon Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangangginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos atEuropa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik saPilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ngmaraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ayang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan niMeni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais namakapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mgakaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfinna tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamangmakatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilanganarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mgapangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nilaDelfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikangnakasasagip sa gayong pangyayari.Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isangkablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamangutusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay,sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni DonFelimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod naSabado ang lahat ng hindi sasalubong.Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid niTentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasamang isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingisa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siyasa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba atCalifornia, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at nagingkaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel namalapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe nakaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia.Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon angugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Salibingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ngkuro-kuro at paniniwala.Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ngkanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga

mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang namagpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganapna kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mgakasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailanganglumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sabuong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan ninaFelipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nitosa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay nanapuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparissa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas angpaninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ngdugo.Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sapagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwannati’t palipasin ang diin ng gabi."

Larawan: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgiDCjKFP38odY85toQdaGyDh22oTqn8nlDpH72nm2sNTHEKwY3SVLSG7WxBHeSr-857tFhXdYT-DMvDbyd-FHni-1CHXGOyjferYNk7z2f9BOaCQ3DeQv4uP75bxUX39NEyEXRd_G1_Dw/s320/200px-Banaagatsikat.jpg


Pagsusulit



 Pagsusulit bilang 2 !

Pagsusulit



 Pagsusulit bilang 1 !

Islogan !


   
Matapos talakayin ang tulang Mga Hudyat sa Bagong Kabihasnan, Kami ay inatasan n gaming guro na gumawa ng isang islogan tungkol sa tamang paggamit ng ating karunungan.

Mahabang Pagsusulit

     



Ito ay isa sa mga mahabang pagsusulit sa ikatlong markahan.

Thursday, November 8, 2012

Ang Kalupi

 Ito ay isang uri ng maikling kwento na kung saan ay pumapatungkol sa pangyayaring lubos na nangbintang ang isang babae sa isang bata na dumukot ng kanyang kalupi, pilit na kumawala ang bata sa kamay ng babae at sa hindi sinasadyang nahagip ito ng isang humaharurot na sasakyan at namatay. Lingid sa kaalaman ng babae na naiwan lamang pala niya ang kanyang kalupi sa kanilang bahay at hindi nawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa bata. Kaya huwag tayong mangbibintang kung wala tayong sapat na ebidensya.


Ang Kalupi
Ni: Benjamin P. Pascual

 Mataas na ang araw nang lumbas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalawas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa habing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school au hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganing may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di-magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang palabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na nga ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kasimeta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.

“Pasensiya na kayo, ale,” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos–tagbebeinte, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensiya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumuasok. Paano’t paano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan na nakarinig sa kanyang mga sinasabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumuli ng isang kartong mantika.

“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marat at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

“Bakit no?” anito.

“E ... e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e, magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.

“Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ialng sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ang kasuotan nito na maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwang kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aappuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi ng bata. “Wala ho akong kinukuhang pintaka sa inyo.”

“Anong wala!” pasinghal na sa abi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke.”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.

“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad na ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e, wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.’

“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-aalis sa mabutong mga daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat at sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.

“Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako’y nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, au lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng tatoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e, naipasa mo na sa kapwa mong mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad ... isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo. Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e, ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis. “Hindi natin karaka-rakang madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng iyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“E, anompang evidencia ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinasabi ko nang binangga akong pasadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”

Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin; maya-maya’y muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulya.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e, me sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyag Ines ko nakatira sa Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa mga lola ko sa Kiyapo at kung minsan naman ho, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”

“Samakatuwid ay dito kayang mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”

Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para-para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata dalhin na antin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo, e, sabad kayo nang sabad, e,” ang sabi ng pulis. “Buweno, kung gusti n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yp sabihin ang gusto n’yong sabihin. At doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”

Inakbayan nito ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang di umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ilan ay ngingiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.

Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dlang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinwakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin, ay pabalinghat niyang pinilipit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e, ako ang gagawa ng ikakaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?”

Napihiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa knayng balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ang buong panggigigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang binitiwan ng humahabol na si Aling Marta, ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilin sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na mula ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala na siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.

Hindi umiimik si Aling Marta habng minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya kapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ang binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito sa paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan. Ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanyang. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwarderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.

“Wala naman sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”

May himig pangungutya ang tinig ng pulis.

“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan ninyong iwan sa akin ang inyong pangalan at deriksiyon ng iyong bahay upang kung mangailangan ng ulat ng pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot ng alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon ng walang tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng nahahayap na mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot ng gulo at kahihiyan! sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa tinamaan na lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y umbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa tabi ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka ... saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa mabilis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at ano mang pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Goryang at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ng Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay makauwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob sa kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nana?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.

“E ... e,” hindi magkantututong sagot ni Aling Marta. “Saa pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e, naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gumita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?


Larawan: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhoKabqyvayIiD7alX6QKTmGonoC4anOtJ90g37-epZYVAl-L3xVe6vd24qxDrmUy28f8WZEknH4Zvj0j-Vfuysl_l1Dgj3uWHYjWNsR_8iLeCaB9N81hXxYY6aSoJbCn1fUr-YOziuHZQ/s400/OLD+WALLET-01.JPG

Tuesday, November 6, 2012

Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan ni: Simon A. Mercado

 Ang tulang ito ay tumatalakay sa mga nagiging bunga ng mga makabagong teknolohiya na naiimbento sa kasalukuyan.

Kumislap ang isip ng pantas na malay
 At ang sandaigdig ay naliwanagan
 Nagsipamulaklak ng dunong na yaman
 Ang nangagpunyaging paham na isipan;
 At tayo’y nagising sa bagong kandungan
 Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!

 Natuklas ng dunong na kahanga-hanga
 Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
 Tila niloob ng Poong Bathala
 Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
 Nakapabingit na sa pagkariwari
 Ang ating daigdig na lutang sa luha!

 Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
 Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
 Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
 Nalakbay ang langit sa bakal na ibon,
 Nasisid ang mga dagat na maalon
 Ng taong palakang nagwagi sa layon!

 Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
 Narating ang buwan ng bakal na limbas;
 Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
 Ang dalawang bunying astronaut na tanyag;
 Subalit hindi pa lubos na matiyak
 Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.

 Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog
 Kapag may malaking bombang sinusubok,
 Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
 At saka malihis sa kanyang pag-ikot
 Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
 Dahil sa paghinto ng kanyang inog!

 Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
 Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
 Sa dalawa kayang malakas ay alin
 Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
 Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
 Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!

 May panganib pa rin sa bawat pagsubok
 Ng bombang may lasong buga sa fall out;
 Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
 Higit na mabangis sa alinmang salot;
 Pag ito’y kumalat sa katakut-takot,
 Walang mabubuhay sa buong sinukob!

 Sa ngayon, ang hanging ating nalilingahap
 Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
Kapag ito’y hindi nalunasan agad
 Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
 Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
 Saka nalalapit na lalo sa wakas!

 Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
 Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
 Sa dalawang pook na pinaghulugan
 Ay napakaraming nakitlan ng buhay;
 Kung ang ibabagsak ay bombang pangunaw
 Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!

 “Pag bombang awtom ang siyang ginamit
 Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
 Dahilan sa lakas na napakalabis
 Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
 Huwag nawa sanang loobin ng Langit
 Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
 Ang pag-uuganahan ng dalawang lakas
 Na sa kalawakan ay magharing ganap,
 Ay nagbabalang di na magluluwat
 At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
 Maanong loobin ng Nasa Itaas
 Na huwag na sanang dumating ang wakas!

 Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto
 Cambodia’t Vietnam, nag-iipu0ipo;
 Ang hihip ng hangin kapag di nabago
 Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
 Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
 At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!

 Nais na lagumin ng Maso at Karit
 Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
 Ang Agila naman sa pagpupumilit
 Na siyang mauna’y hindi matahimik;
 Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
 Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?

 Wala pang sanggol sa kasalukuyan
 Sa pambobombang higit ang labis sa ingay,
 Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
 Di makakahanda nais mang lumaban;
 Dahil dito kaya dapat pagsikapan
 Na mapagkasundo ang sangkatauhan!

 Hindi nga masamang ang tao’y
 Lalo kung may mithiing dakila at tapat,
 Pagkat likas lamang sa taong maghangad
 Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
 Ngunit ang masama’y ang magpakapantas
 Upang ang mabuting binuo’y iwasak!

 Di dapat gumamit ng mga sandatang
 Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
 Idalangin nating magkaisa sana
 Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
 Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
 Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!

 Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
 Gayon din ang hangin na dating malinis,
 Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
 Ay matatapos nang parang panaginip;
 Saka lamang naman magiging tahimik
 Kung dito’y wala nang mga manlulupig!

 Dahil dito kaya kinakailangan
 Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
 Pagsikapan nating tuparing lubusan
 Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
 Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
 Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!

 Agawin sa kamay ng imbot at inggit
 Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
 Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
 Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
 Ang Diyos ay gising, di ipinagkait
 Ang Kanyang saklolo sa api at amis!

 Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
 Ang siyang nagtatanggol sa aping kat’wiran,
 Hindi maglalao’t ang sangkatauhan;
 Ay makakandong na ng kalwalhatian;
 Saka ang ligalig na sandaigdigan
 Ay mahihimbing na sa katahimikan.